“Umagang Kay Ganda”, nagising sa katotohanan na hindi dance show ang kanilang morning show

ADVERTISING

"Umagang Kay Ganda", nagising sa katotohanan na hindi dance show ang kanilang morning show

Umagang Kay Ganda Hosts
Umagang Kay Ganda Hosts

Mabuti naman at nahimasmasan ang namamahala sa morning show ng Kapamilya Network na “Umagang Kay Ganda” na hindi dance show na panapat sa “ASAP” ang kanilang show, kung hindi ang maghatid ng news worthy na balita tungkol sa mga nangyayari sa bansa katulad ng kanilang original format.
At least ngayon ay tinigilan na ng mga ito ang walamg humpay na hatawan sa dance floor sa umaga na talaga namang nakaiirita at ‘di nakatutulong sa kanilang show.
Mabuti na rin at ibinalik nila si Marlo Mortel na malaki ang naitutulong sa kanila para ma-capture nila ang teens market at tinantanan na ang sayawan.
‘Yun nga lang, nagmumukhang chopsuey ang segment ni Marlo dahil sinaman nila ng co host ito, plus ini-interview dahil mistulang nagsasapawan sila sa pagsasalita.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING