UAAP Season 78 Round 1 Schedule

ADVERTISING

UAAP Season 78 Round 1 Schedule

HANDA KA na ba sa pagbubukas ng UAAP Season 78 at suportahan ang iyong unibersidad o kaya ay ang paborito mong team na mga kalahok sa basketball? I-ready na lahat at manood na, mapa-live man o sa TV lamang, dahil ang UAAP Men’s Basketball Round 1 ay magsisimula na.

ADVERTISING

Mula sa walong (8) unibersidad ang mga maglalaban-laban sa UAAP Basketball kabilang dito ang Adamson University, Ateneo De Manila University, De La Salle University, Far Eastern University, National University, University of the East, University of the Philippines, at University of Santo Tomas.

Bawat team ay my goal na makapasok sa Final 4, kung saan maglalaban ng semi at ang mga magwawagi ay maghaharap sa Finals. Mai-defend kaya ng National University ang kanilang titulo bilang Champion last season? Sinu-sino kaya ang mga team na papasok sa final 4? Abangan natin ang mga exciting na kaganapan sa UAAP Season 78.

Alam mo na ba ang schedule ng UAAP Season 78 Men’s Basketball? Kung hindi pa ay ito ay ang schedule para sa Round 1 para ating mapanood at matutukan ang bawat game ng UAAP.

ADVERTISING

Sa Sabado, September 5, magbubukas na ang panibagong season ng UAAP na gaganapin sa Araneta Coliseum at sasabak na agad sa round 1 ng basketball ang host ng season na ito, ang UP vs UE ng 2 pm at next game naman ng 4 pm maghaharap ang UST vs AdU.

September 6, 2 pm ng hapon maglalaban ang DLSU vs NU at susundan naman ng next game ng FEU vs Ateneo na gaganapin sa MOA.

September 9, lalaban ang La Salle kontra sa UP at susundan naman ng laban ng UST vs FEU. Ang game na ito ay sa Araneta Coliseum gagawin.

September 12, laban ng Falcons vs Blue Eagles (AdU vs ADMU) at susundan naman ng laban ng UE Red Warriors at NU Bulldogs sa MOA.

September 13, maghaharap ang UST Tigers vs UP Maroons at sumunod naman ang laban ng DLSU Green Archers vs FEU Tamaraws sa MOA.

September 16, Ang UE Warriors at Adamson Falcons ang maglalaban at ang next game naman ay laban ng NU Bulldogs at Ateneo Blue Eagles sa Araneta.

September 19, Ang Ateneo Blue Eagles vs UE Warriors at sumunod ang NU vs UST sa MOA.

September 20, Adamson Falcons vs DLSU Green Archers at ang next game naman ay UP vs FEU sa Araneta.

September 23, UE vs FEU, susundan naman ng NU vs AdU sa MOA.

September 26, UP vs NU na susundan naman ng laban ng ADMU vs UST sa MOA.

September 27, DLSU vs UE at AdU vs FEU sa Araneta

September 30, ADMU vs UP at UST vs DLSU sa MOA.

October 4, UP vs AdU ng 11 am at ang next game ay sa 4pm na kung saan ang maglalaban ay ang ADMU vs DLSU sa MOA.

October 7, ang last game para sa round 1 na ito ang UE vs UST at susundan ng NU vs FEU sa Araneta.

Ito ang schedule ng UAAP Basketball Round 1 para sa UAAP Season 78. Mark the date at tara na at manood ng bawat game ng UAAP Basketball.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING