TAKUTAN NA! ‘U-Turn’ ni Kim Chiu, mapapanood na sa October 29

ADVERTISING

SI KIM CHIU na yata ang ‘Millennial Horror Queen‘. Sa dami ng horror films na kanyang nagawa in the past tulad ng Shake, Rattle & Roll X, The Healing, Da One That Ghost Away at The Ghost Bride, muli tayong pasisindakin ni Kim Chiu sa ‘U-Turn‘ na ipapalabas na in the comforts of our beloved homes ngayong darating na October 30.

Sa katunayan, ang ‘U-Turn’ ang Halloween movie offering ng Sta Cinema. Mas bongga nga sana kung sa sinehan muna ito ipapalabas, pero dahil sa pandemic, BAWAL LUMABAS! Chos!

ADVERTISING
TAKUTAN NA! 'U-Turn' ni Kim Chiu, mapapanood na sa October 29
Kim Chiu in ‘U-Turn’

Kidding aside, ang ‘U-Turn’ ay kuwento ni Donna Suarez (Kim Chiu), isang reporter na nagdududa sa isang suicide case. Dahil sa inaasam na ‘break’ sa kanyang journalism career, gagamitin niya ang mga koneksyon na ito para makagawa ng istorya sa tulong ng kanyang boyfriend na si Robin (Tony Labrusca) at kaibigang pulis na si Kevin (JM de Guzman). Mahahanap niya kaya ang sagot sa mga katanungan? Ano kaya ang madidiskubre niya?

Ito ang Philippine remake ng sikat na Indian mystery-thriller film na ‘U-Turn’ na originally ay idinirek ni Pawan Kumar noong 2016 at 2018. Ang Philippine version naman ay hinawakan ni Derick Cabrido, na impressive ang pagkadirek kay Jodi Sta. Maria sa ‘Clarita’ na maraming manonood ang hindi nakatulog, huh!

TAKUTAN NA! 'U-Turn' ni Kim Chiu, mapapanood na sa October 29
Kim Chiu in ‘U-Turn’

Magkakaroon ng advanced screening sa KTX.PH ang ‘U-Turn’ sa Huwebes, October 29. Makakabili ng ticket online for only Php 150. May bonus pa na special appearance ang mga bida ng pelikula.

ADVERTISING

Hindi mo ba mapapanood ang advanced screening? Huwag ka nang malungkot dahil ang regular run nito ay sa October 30 na. Valid for 48 hours ang isang ticket. May mga Halloween Barkada Bundles din sila para lalong makatipid ang mga magtropang pansamantalang hindi makakapagsine ng magkakasama kasi nga BAWAL LUMABAS!

Panoorin ang trailer ng U-Turn:

Mapapanood din ang “U-Turn” sa SKYcable Pay Per View, Cignal Pay Per View, at sa iWant TFC starting October 30.

ADVERTISING