Tyrone Oneza, tumulong sa isang pamilyang walang pambayad ng upa sa bahay at panggastos sa araw-araw

ADVERTISING

Tyrone Oneza, tumulong sa isang pamilyang walang pambayad ng upa sa bahay at panggastos sa araw-araw

Tyrone Oneza
Tyrone Oneza

Nasa Spain na muli ang tinaguriang “King of Facebook Wheel of Fortune” na si Tyrone Oneza after ng ilang araw nitong pagbabakasyon sa Pilipinas para ma-meet ang kanyang loyal supporters at para na rin ibigay nito ang mga premyong napanalunan ng Tyronatics sa kanyang “FB Wheel of Fortune“.
Nakatutuwa nga ang singer/ public servant na si Tyrone dahil sa pagtulong nito sa isa sa kanyang Tyronatics na ang pamilya ay ‘di makapagbayad ng renta at wala pang mahanap na trabaho, kung saan sinagot nito sa tulong ng kanyang sponsors ang pambayad pansamantala ng upa at panggastos sa araw-araw ng fan na sumulat sa kanya.
Sabi ni Tyrone Oneza, “Hangga’t kaya kong tumulong at hangga’t may mga taong sumusuporta sa aking ginagawa, tutulong ako.”
At ngayon nga ay dire-diretso pa rin ang pamimigay nito ng gadgets at Euro sa kanyang “FB Wheel of Fortune”.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING