Tyrone Oneza, tinaguriang ‘Willie Revillame’ sa social media

Tyrone Oneza, tinaguriang 'Willie Revillame' sa social media

Tyrone Oneza
Tyrone Oneza

Sa pagbuhos ng dami ng likes, comments, at share sa Facebook at pagiging instant Internet sensation dahil sa kanyang FB Wheel of Fortune, labis-labis ang kasiyahang nadarama ng napaka-generous na international singer na si Tyrone Oneza.
Kuwento nga ni Tyrone nang makausap namin sa FB: “Natutuwa po at maraming nagsabi na first time daw po na may Wheel Of Fortune sa FB at ako pa ang kauna-unahan dito.
“Sobrang nakapa-flatter ‘yung mga magagandang mensaheng ipinadadala ng mga supporters ko at ng ibang tao na nakakikita sa FB ng Wheel Of Fortune.
“Ako po kasi, halos naranasan ko na ang lahat.  travelled so much, dahil ‘yan ang dreams ko. But noong maranasan ko, parang kulang ang happiness ko. Pero ‘yung maliit na bagay na ginagawa ko sa kapwa tao ko, iyan pala ang kaligayahang talagang makapagpapasaya sakin, ang bukal na tulong sa kapwa.
“Naisip ko kasi na hindi ko madadala sa kabilang buhay ang yaman, pero ang mag-iwan ka ng magandang bagay sa kapwa, kailanman ay hindi mawawala.
Dagdag pa ni Tyrone: “Ginawa ko itong bagay na ito sa mga FB supporters ko, dahil nakita ko ‘yong efforts nila every now and then, mga nag-like at comments sa bawat post ko. Alam ko, full effort din sila, kaya sinusuklian ko rin po sa pamamagitan ng pahulaan ko sa FB for small amount, at nakita kong very appreciated nila ‘yon.
“Kaya naman nang makita ko ‘ung sobra-sobrang kasiyahan ng mga nanalo rito ay mas dobleng kasiyahan ang naramdaman ko. Kaya naman hangga’t kaya ko at may mga taong susuporta sa akin ay ipagpapatuloy ko ang Wheel of Fortune sa FB.”
Bukod nga raw sa kanyang Wheel of Fortune ay busy rin si Tyrone sa kanyang singing career abroad.

“Sa Sabado ang flight ko po sa Portugal from 14 to 16, at babalik ako sa Europe on July para sa Greece at Paris po, at may offer din sa London.
“Tapos, pinaghahandaan ko rin ‘yung second album na hopefully ay ilalabas ko rin sa Pilipinas.
Kaya naman daw sobra-sobra ang pasasalamat nito sa Diyos at sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.

John’s Point
by John Fontanilla