Twins Sheena at Brigitte McBride, bida rin sa MMFF New Wave entry

ADVERTISING

Twins Sheena at Brigitte McBride, bida rin sa MMFF New Wave entry

Sheena-Mcbride-Brigitte-McbrideSAKTO ANG pagpasok ng kambal na sina Sheena at Brigitte McBride sa showbiz dahil ‘yun din ang role nila sa first full-length nila, ang Gemini na pasok din sa MMFF New Wave. Excited ang dalawa nu’ng makausap namin sa presentation ng MMFF New Wave sa Passion Resto, Resorts World Manila.

“Ako po talaga ang gustong mag-artista, si Brigitte po singing ang gusto niya. Nu’ng nag-audition po kami sa Gemini, since twins ang hinahanap nila, kinumbinsi ko po siya at thank you naman po, nakapasa kami at kami ang napili ni Direk Ato Bauista,” kuwento ni Sheena.

“Naisip ko naman po na p’wede ko ring ituloy ang dream ko na maging isang singer kahit po nagpi-pelikula na ako kaya ayun po sumama ako kay Sheena,” tsika naman ni Brigitte.

Kahit first film ito ng dalawa, masaya raw sila at hindi kinakabahan dahil mabait ang kanilang direktor plus ang kanilang mga co-actors na sina Mon Confiado at Lance Raymundo.

ADVERTISING

“Super lovable po sila. Si Kuya Mon, very supportive since siya ‘yung matagal na sa showbiz. Ganu’n din po si kuya Lance,” hirit ni Sheena.

“Napakaganda po nu’ng movie at nu’ng role namin kaya super excited kami. Sana po, after nito, magtuluy-tuloy na ang aming showbiz career,” dagdag namang sabi ni Brigitte.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING