TWEET NI MANNY PACQUIAO, KALURKEY!

ADVERTISING

 TWEET NI MANNY PACQUIAO, KALURKEY! OLA CHIKKA! NOW na! Don’t make your Monday a blue Monday! Speaking of English, magpapakatotoo ako na pagdating sa English, hindi talaga ako magaling. Ayokong magpaka-plastic na kagaya ni Manny Pacquiao. Ang lolo n’yo ‘TH’ sa pag-i-English sa Twitter. Mabuti at marunong siyang mag-tweet. ‘Kaloka! Hahaha!

‘Eto ang bonggang twit niya: Im sorry guys but most of the players of bostons is a friend of mind and kobe too thanks I think I have to delete my account and stop it I know I cant pls. Everybody thanks everyone at TARAyNG AT PA DIBA? Where do you leave?

ADVERTISING

‘Kalurkey, ‘di ba? Kasi naman Congressman, dapat ay hindi ka basta-basta nagpo-post ng kung anu-ano lalo na sa Twitter. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung ganito ang mga eksena mo? Isa ka pa naman sa mga gumagawa ng batas, tapos, ganyan ang drama mo?

Paano na ‘yan kung sakaling tumakbo ka na bilang Presidente? Nagbabalak ka pa naman, ‘di ba? Sino na ang mga susuporta sa ‘yo kung ganyan ang mga example mo?

NAKU, SPEAKING OF president, nakakaloka naman itong si Alma Concepcion na nagbabalak din daw na tumakbong presidente?! Naku, hindi porke’t nagpa-kita ka ng maganda sa inyong asosasyon ay may ‘K’ ka nang tumakbo! ‘Kaloka ka naman, ‘teh!

ADVERTISING

Dapat ay magpakita muna kayo ng magagandang example sa atin at pag-aralan n’yong mabuti ang mga binabalak n’yo. Sabagay, ilusyon lang naman ‘yun. Depende pa rin kung may mga susuporta sa kanila! Hahaha!

BLIND ITEM: SINECH ang politician-comedian na ito… ‘kaloka, umpisa pa lang nagbigay na agad ng clue! Hahaha!

‘Eto ang chikka. Kasama kasi siya sa premiere ng isang pelikula. Ang nakakawindang, akala mo ay kung sino siya kung umasta. Biruin n’yo ba naman, pinaalis niya ‘yung matatanda roon sa uupuan niya dahil doon daw siya nakapuwesto?! Grabe naman! Walang galang, ‘di ba?

Mabuti na lang at lumapit ang isang usherette, at sinabi sa politician-comedian na hindi ‘yun ang puwesto ng mga artista! Hahaha! Napahiya ang damuho! Ang bilis ng karma, ‘di ba?

For more chikka and more fun, aba-ngan na lang po ang aking programa kasama ang aking anak na si Lady Camille sa DWSS 1494khz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali. Subaybayan pa rin ang a-king programa sa DZRH 666khz, every Sunday 2:30-3:30 ng hapon!

 TWEET NI MANNY PACQUIAO, KALURKEY!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING