TV5, tambakan ng mga LAOS?!

ADVERTISING

TV5, tambakan ng mga LAOS?!

WALA NANG NAGULAT sa paglipat ni Aga Muhlach sa bakuran ng TV5 dahil sumingaw na ito noon. Pumirma na ng kontrata si Morning (tawag kay Aga) sa Kapatid Network at nilisan na ang ABS-CBN 2 na matagal-tagal ding naging tahanan ng guwapong aktor. Sa pag-ober da bakod ng dear husband ni Mareng Charlene Gonzales sa Singko eh, marami sa mga mahadera ang nagtaas ng kilay. Hindi raw kawalan si Morning sa Dos at kahit pa raw idagdag pa ito sa TV5 eh, mananatili pa rin daw na tapunan at tambakan ng mga laosyano at laosyana ang Singko? Kalurkey! Sobra naman ang mga tsismosang ito, huh!

ADVERTISING

Bakeet? Ano ba ang masama kung lumipat ang mga taartits na wala nang ginagawa o sabihin nating

nakatengga sa ibang istasyon, o ang mga artistang gusto ang mas makakabuti at mas makakatulong

sa kanilang career? Panahon na siguro para mabigyan sila ng chance para mag-shine ulit ang kanilang

ADVERTISING

nananamlay na career… kaya go lang nang go! Samantala, ano kaya ang masasabi ng ilan sa mga nagsilipat sa unti-unting sumisikat na TV station ngayon about sa LAOS issue na ‘yan, aber? Makitsiktsak tayo sa kanila, mga kaparazzi.

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING