TV5, dismayado sa pagpunta ni Nora Aunor sa GMA-7!

ADVERTISING

TV5, dismayado sa pagpunta ni Nora Aunor sa GMA-7!

TV5, dismayado sa pagpunta ni Nora Aunor sa GMA-7!NAGING INTRIGA NA itong pagpunta ni Nora Aunor sa GMA-7, huh!

ADVERTISING

Nag-react kasi ang mga taga-TV5 du’n sa ginawa nina Joey Abacan sa GMA Films na nagpa-kuha sila ng litrato, kung saan suot ni Nora ang jacket ng Tween Aca-demy at pinahawak pa ng fansign na nakalagay ang title ng pelikula at showing ito ng August 24.

Nagparating nang pagkadismaya ang ilang taga-5 pero hindi sila naglabas ng kung ano mang official statement.

Pinag-usapan nga ito sa radio program ni Cristy Fermin sa Aksyon Radyo pero blind item pa.

ADVERTISING

Pero nag-react agad ang mga taga-GMA Films na nagpaliwanag na ginawa raw nila ‘yun na walang malisya dahil kaibigan naman daw ni Joey si Nora.

Bukod pa riyan, pumayag naman ito at okay lang kay Kuya Germs na siyang nagdala roon kay Nora.

Hindi na siguro dapat na palakihin pa ang ganu’ng intriga dahil so far, wala pang nakakarating sa akin na reklamo mula sa TV5.

Hindi nga natin sure kung makakatulong ba ito sa promo ng Tween Academy dahil hindi nga siguro kilala ng mga batang bida si Nora at ganu’n din naman ang Superstar, ‘di rin sila knows!

Naikot na rin lang naman ni Nora ang mga dapat niyang puntahan, dapat na mag-concentrate na siya ngayon sa gagawin niya sa TV5.

Magsisimula na raw ang mini-series nito at pati na rin ang pelikulang gagawin niya kay ER Ejercito.

Balak pa ni Mother Lily na kunin ang Superstar para raw sa Mano Po?

Hindi naman isinumite iyan sa Metro Manila Film Festival kaya ewan ko kung para saan ‘yan.

Matatagalan kaya rito si Nora? Gusto ko ring malaman kung nadalaw na ba ni Nora ang kapatid niyang si Eddie Boy Villamayor na nasa rehab pa rin ngayon?

Alam ko. ‘Yun ang isa sa mga gusto niyang gawin sa pagbabalik niya rito.

 

MUKHANG MATUTULOY NA raw ang pagsasama nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa isang pelikula.

Ito ‘yung entry ni Robin Padilla para sa Metro Manila Film Festival. Ibig sabihin tanggap naman pala ni Robin si Aljur para sa anak niya.

Nang tinanong naman ng Startalk ang dalawa, wala pa silang ideya kung tuloy ba talaga ito. Naririnig lang daw nilang binabalak silang pagsamahin pero wala pa raw nagko-confirm sa kanila.

Kaya nu’ng tinanong si Aljur tungkol dito, na-excite ang young actor dahil gustung-gusto nga raw niyang makasama si Kylie.

Ang dinig ko rin, may binabalak na ring drama series na pang-primetime ng GMA-7 pagsamahin na silang dalawa.

Kung matutuloy ‘yang lahat, siguro aamin na sila na, ‘no!

Ang sabi lang kasi ni Aljur, exclusively dating pa rin at espesyal si Kylie para sa kanya, kaya ‘yun din ang sagot ng huli.

Ngayong linggo na magtatapos ang Blusang Itim ni Kylie at malaki ang pasasalamat niya dahil nabigyan daw siya ng GMA-7 ng ganu’ng break.

Medyo nakukulangan pa nga raw siya sa ginawa niya sa Blusang Itim kaya gusto niyang mag-workshop pa para matuto siya nang mabuti sa pag-arte.

Pero magbabakasyon daw muna siya sa Baguio, Sagada at Banaue Rice Terraces para makapagpahinga pa.

Definitely, hindi raw kasama si Aljur sa bakasyong ‘yun dahil busy naman ang binata.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING