TV show ni Dingdong Dantes, ‘di nasagip ni Marian Rivera – Ronnie Carasco

TV show ni Dingdong Dantes, ‘di nasagip ni Marian Rivera – Ronnie Carasco

TV show ni Dingdong Dantes, ‘di nasagip ni Marian Rivera – Ronnie CarascoSA GANITONG SYNDROME rin nasilat ang Monday ratings ng teleserye nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa GMA-7.

The prior week had seen both stars promoting the soap dahil sila na mismo ang mga gaganap sa ikalawang linggo. Magbabalik si Cholo buhat sa ibang bansa at magtatagpo silang muli ni Jodi sa skating rink.

Very sadly, however, sumemplang ang dalawa sa ratings nitong Lunes (28.7%), kinabog sila ng Tayong Dalawa ng Dos na nagtala ng 33.3%. Hindi naman nahatak ng Darna (pre-programming nito) patungo sa heaven ang real-life dyowa niya!

Ay, oo nga pala, tagasagip ng mga naaapi si Darna, hindi ng romantic mismatch!

Wowowee, kinabog ng Eat Bulaga kahit bumalik pa si Willie

KAHIT BUGBOG SA publisidad ang pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee nitong Lunes, “binugbog” pa rin ito sa ratings ng kalaban nitong Eat Bulaga.

Twenty-eight point six (28.6) percent ang naitala ng Eat Bulaga, malayo sa 22.1% na nasungkit ng Wowowee. In fairness, I did not expect it myself, kabado ako para sa EB na baka alikabok ang kanilang maging pananghalian courtesy of the returning TV host.

May confluence naman kasi ng maraming factor para asahan ko mismo ang paglalampaso ng Wowowee sa EB; nariyan ang sobrang pagkasabik ng mga manonood kay Willie, ang magarbong paghahanda bilang salubong sa kanya, ang media blitz, but to no avail.

The viewers have spoken.

Midnight DJ, kaabang-abang!

MALAYO PA MAN ang Halloween, pero pa-scary nang pa-scary ang mga episodes ng Midnight DJ sa TV 5 tuwing Sabado, 8:30 n.g. and take note, nasa fifth season na ang creep show na ito still lording it over the ratings game.

Tulad na lang ng episode bukas na pinamagatang “Ang Kuwintas ng Mangkukulam”, pansamantala’y iwaglit muna natin sa ating isipan ang kinasangkutang sex video ni Maricar Reyes na gaganap sa papel na Rosanna, isang seksing kalaguyo na ang dyowa ay natigok sa kulam. Ang sexy ring si Regine Angeles bilang Amanda ang kunsumidong misis ng biktima.

Read Ronnie Carasco’s Blind Item: Aktres, pa-buking sa foreigner

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III