Tv personality na sobrang Makati, iba-ibang lalaki ang ka-date araw-araw!

ADVERTISING

ANG TAWAG NGAYON sa isang TV personality ng kanyang mga kaibigan ay “Ms. Fully Booked!” Bakit nga ba?
Eh, pa’no kasi, kung sinu-sino ang nababalitaan nilang idine-date nito, kaya ‘pag minsang nag-iimbita ang mga friends para magkatsikahan lang sila o gumimik, aba, walang oras si Girl.
Tapos, mababalitaan na lang nila, kasama pala ang isang aktor.
“O, bago na naman? Nu’ng isang araw, si ____, tapos, nu’ng isang araw, si ___ naman. Kalokah!  Fully booked ang beauty ng aming friend!”
Baka naman walang nangyayari?
“Hindi rin. Kakaiba rin si Ms. FB, ‘Day! Makati rin ‘yang lola mo! At kahit sinong lalaki, hindi tatanggi sa kanya, ‘no!”
Hay, nako… Kung ako dito sa girl na ‘to, magsisimba ako nang taimtim. As in taimtim. As in bonggang-bonggang taimtim.

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING
ADVERTISING