TV and movie personality, lilipat sa kalabang network dahil ‘di na ma-take ang nakaaway na female celebrity

ADVERTISING

BLIND ITEM: Tatapusin na lang ng isang TV and movie personality ang kanyang kontrata sa kanyang network at lilipat na siya sa kalabang istasyon.

Hindi na kasi ma-take ng popular personality ang nakaaway niyang celebrity. Alam niyang malawak ang influence nito at bago pa siya maging biktima ng kamalasaduan nito ay siya na ang mag-e-effort para umiwas na.

ADVERTISING

Kahit na kilala bilang mabait ang TV personality na ito ay napupuno rin naman siya. Kaibigan ang turing niya sa female celebrity pero hindi ito pinahalagahan ng hitad.

Hindi na mauuwi sa kapatawaran ang away ng dalawa dahil mukhang hindi naman marunong humingi ng tawad ang female celebrity. Mataas kasi ang ere nito at feeling forever sikat.

 

ADVERTISING

By Alex Brosas

ADVERTISING