TV host/actor, malaking larawan ng bagets actor ang nasa kuwarto!

ADVERTISING

 

NAKAKALOKA NAMAN ANG isang kilalang TV host/actor dahil sa loob ng kanyang kuwarto ay naroon ang malaking larawan ng isang sumisikat na bagets na matagal nang iniisyu sa kanya.

Bulong ng mga mahaderang kapitbahay ni TV host/actor, ito raw bagets actor na may maamong mukha ay laging nasa bahay nito.

“Dati si “I” ang laging nariyan, pero ngayon si “J” na,” sabi ng aming kausap habang panay ang tawa nang makahulugan.

Sa totoo lang, nagtataka rin kami. Parang gusto naming maniwala sa tsismis na si TV host/actor at si bagets actor ay may relasyon. Dahil kung wala, bakit ang larawan ni bagets ay nasa kuwarto ni TV host? Kung wala silang relasyon, hindi ito bibigyan nang ganu’ng importansiya ni TV host/actor, ‘di ba?

ADVERTISING

Kilala n’yo kung sino ang tinutukoy namin, dahil ang dalawang bida ang TV host na laging napapanood, habang si bagets ay kasama sa isang soap opera. Tsuk!

(By Morly Alinio)

ADVERTISING