TV host, pinasasabihan ang mga bagets na tigilan na ang panunukso sa isa nilang kasama!

PASINTABI MUNA sa aming mga mambabasa, sasadyain naming hindi banggitin ang gender o kasarian ng mga tauhan sa kuwentong ito.

Pinagsabihan ng isang TV host ang isang PM (production manager) ng kanyang programa na kung maaari’y sabihin nito sa isang grupo ng mga artistang bagets na tigilan na ang panunukso sa isa nilang kasamahan. By tukso, we mean na tila nahahalata na rin daw ng teen group na may kung anong espesyal na kaugnayan sa pagitan ng TV host at ng bagets na tampulan ng mga biro.

Ayon sa TV host, nako-conscious na raw ang bagets. At aminado rin ang TV host na maging siya’y nako-conscious na rin.

Nang makarating ito sa ilang mga kaistasyon ng TV host, it’s his turn now to be the butt of practical jokes among the bagets-no-more station talents. “Ang  f…hng TV host, nagsusumixteen!” ang chorus nilang sabi.

Sorry po, walang clue.

(By Ronnie Carrasco III)

Previous articleAng Pagbabalik ng mga Kawatan!
Next articleSobrang kuripot na aktres, napapanisan ng mga pagkain sa ref!

No posts to display