TV host-actress, mabaho ang hininga! – Tita Swarding

ADVERTISING

TV host-actress, mabaho ang hininga! – Tita Swarding

TV host-actress, mabaho ang hininga! – Tita SwardingOLA CHIKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo na TV host-actress na sobra’ng baho ng hininga. Haler! Naloka kayo, noh! Mas maloloka kayo kung mahulaan n’yo kung sino itong sikat na TV host-actress na ito.

ADVERTISING

Naisip ko nga itong si TV host-actress na sa sobrang yaman na nito ay mabaho pala ang hininga. Kaya naman niya lahat, kahit ipakalkal pa niya ang kanyang bunganga at bituka upang mawala ang baho ay kaya niya. Iwww! Nakasama ko ang sikat na actress na ito noon at ‘di ko naman alam na mabaho ang hininga nito. Ang nakakaloka ay ilang mga friend ko sa hanap-buhay ay napansin din ang amoy ng TV host-actress. Halleeeer! Buti na lang at hindi ko ito naamoy. Ewan ko lang, baka hindi ko ma-take. Ha! Ha!Ha!

Tsika ng friend ko, baka may nakain lang ito at nakalimutan lang mag-toothbrush. Ha! Ha! Ha! Pero kakaiba ang amoy nitong bunganga ni TV host-actress dahil amoy-clorox ang bunganga. Ha! Ha! Ha! ‘Di ba nakakaloka? Amoy dagta ng asawa nito ang bunganga ni TV host-actress.

O, nahulaan n’yo na kung sino siya? Maraming TV host-actress na sikat. Kayo na ang bahala kung Kapuso ba ito o Kapamilya. Basta ang alam ko galing siya sa isa sa nabanggit kung network. ‘Yun na!

ADVERTISING

MARAMI ANG NAG-REACT sa nasulat ko rito sa Pinoy Parazzi tungkol sa hindi pagiging mayaman ng dating asawa ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Napuno ng messages ang aking  email pero carry lang kahit hindi ko na mabasa lahat sa sobrang dami.

Kung noon nabanggit daw ni Ruffa na may mga hari-hari sa bansa ng dating nitong asawang si Yilmaz, ayon naman sa bago kong friend na si Okay ay hindi totoo ito. “Sorry, Tita Swarding, sa bansang Turkey ay walang hari dahil parang Pilipinas ito na ang presidente ang pinakapinuno.” Sabi pa ni Okay ay hindi naman daw totoo na madatung ang dating asawa nito. Kaloka, ha!

Ngayon, ang nakarating sa akin mula sa aking Parazzi Girl, hindi na raw sinusutentuhan ni Yilmaz ang mga anak nila ni Ruffa kaya ang dating beauty queen ay todo-kayod para sa mga tsikiting niya. Naku, ha! How true? Kung hindi sinuportahan ni Yilmaz ang mga anak, isa lang ang ibig sabihin nito, wala na siyang datung na pang-sustento. Kaloka, ha! Ano kaya ang masasabi ni Ruffa rito? ‘Yun na!

ISA AKO SA inimbitahan ni Direk Joyce Bernal, ang direktor ng  Kimmy Dora na humakot sa takilya at  umabot ng ilang linggo sa mga sinehan. Inimbitahan ako ni Direk Joyce sa thanksgiving party at may konting salo-salo kasama ang lahat ng cast ng pelikula. Kasama ko si Renan na ngayon ay nasa Davao at si Ivy sa salo-salo na ‘yun. Buo ang pasalamat ni Direk Joyce sa lahat ng sumuporta sa pelikula n’ya at hindi rin nagpapahuli ang ganda ni Eugene Domingo sa party dahil siya ang nauna sa lahat. Ha! Ha! Ha! Dinaluhan din ito ng ilang mga reporter na sumuporta ng pelikula. Kaya sa buong staff at cast ng pelikula kasama ang papa ng bayan na si Piolo Pascual, congratulations! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING