TV host-actress, ayaw nang uwian ang inang sugarol!

ADVERTISING

ISANG TAON nang hindi umuuwi sa kanilang probinsiya ang isang TV host-actress (TVHA) na ito. Ang dahilan: nabubuwisit lang kasi siya sa kanyang mabisyong ina.

Whence before she would pay her mom regular visits, ngayon ay pinadadalhan na lang niya ito ng buwanang sustento na aabot sa mahigit sampung libong piso. Suko na kasi ang TVHA sa pagiging talamak na sugarol ng ina, ultimo kaliwa’t kanan na utang nito ay siya pa ang sumasalo.

ADVERTISING

“Nakakasawa na rin kasi, eh,” himutok niya, “Dati, binigyan ko na siya ng puhunan sa tindahan, mga singkuwenta mil din ‘yon. Ending, na-bankrupt kakasugal niya! TapoS, ‘yung ipinadadala ko, ipinangsusugal niya. ‘Pag naubos, nagkakandautang-utang, ako pa rin ang tagabayad. Kaya sabi ko sa kanya, dadalawin ko lang siya kapag nagbago na siya.”

Pero bilang anak, anuman daw ang diperensiya ng ina’y hindi naman niya ‘yon kayang tikisin.

Da who ang TVHA na ito? Itago na lang natin siya sa pangalang Alyanna Alinio.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco III

ADVERTISING