TV commercial na nga lang: aktor at sexy actress, kulang na kulang pa rin sa acting!

ADVERTISING

 

HABANG NAONOOD ay biglang nag-commercial gap sa Party Pilipinas. Ipinalabas ang isang TV commercial, kung saan nagsama ang isang aktor at isang sexy actress. Nalokah kami dahil TV commercial na lang, medyo kulang pa sila sa acting pareho.
Dapat siguro, habang walang ginagawa o hindi naman masyadong busy ay bakit hindi mag-workshop sa akting? Matagal tagal na rin naman silang artista, pero sana me progress naman habang tumagal, ‘di ba? Hindi naman namin sinasabing walang progress, pero ang bagal lang siguro ng asenso in terms of acting.
Sana alagaan nila na linangin ang kanilang craft dahil ito ang nagbibigay ng kanilang livelihood program.
O sadyang nalasing lang sila sa alak na ine-endorse nila?

(By Ogie Diaz )

 

ADVERTISING