TV actress, daig pa ang matrona sa pagsi-shopping sa actor-model! – Fernan de Guzman

HINDI PA RIN daw susuko itong si Luis Manzano sa panliligaw kay Angel Locsin. Kahit na nagsalita na itong si Angel na hindi na niya binabalikan ang kanyang mga naging boyfriend.

Sabi pa nga raw ni Luis ay gagawin niya ang lahat para manumbalik ang kanilang relasyon. Challenge nga na malaki ito para kay Luis.

Sabi pa nga ni Angel ay may lamat na ang kanilang relasyon kaya malayong bumalik pa ito sa dati. Kung ganon,  mahirap na ngang bumalik ang dating mainit na relasyon ng dalawa.

Isa lang ang nakikita naming dahilan, malalim ang pinag-ugatan ng pag-aaway ng dalawa. ‘Yun na!

BLIND ITEM: VERY fresh ang ang balitang nakarating sa amin kagabi lang mula sa aming matinik na reliable source.

Tungkol ito sa isang talented TV actress na ikinaloka ng aming spy dahil nga nagmukha itong bading o matrona dahil siya ang nagbayad ng biniling Nike shoes sa isang mall sa Quezon City ng isang actor-model na guwapo.

Ang isa pang nakakaloka, bakit iba ang kasamang lalaki ng bida natin sa blind item, gayu’ng balitang meron naman siyang boyfriend na actor cum dancer. Kalokah, ‘di ba?

Noong una ay hindi magkasama ang dalawa habang may kanya-kanya silang gustong bilhin. Kaso nang meron na silang napiling mga item ay nagtabi na ang dalawa dahil nga ang magbabayad na ay ang TV actress na talented. Very close na sila nang nasa cashier area na sila.

Yes, nagmukhang matrona o bading ang hitad dahil nga siya itong tagabili ng gamit ng lalaki. Hindi kaya talagang likas na generous lang ang bida? Sexy naman at hindi pa naman matanda. Kaya bakit siya mag-aala-matrona.
O, knows n’yo na ba kung sino siya? Naku, kapag sumabog ito ay tiyak na magiging malaking gulo ito.
‘Di ba?

NATUTUWA NAMAN KAMI kapag may nagbabalita sa amin na residence ng district 3 ng Quezon City na mukhang malakas ang laban ng aming kasama sa hanapbuhay, ang matalik na kaibigan na si Papa O as in Ogie Diaz.

Diretso na ngang tatakbong councilor si Ogie at isang malaking tagumpay oras na mapasok siya sa konseho ng Quezon City.

Isang malaking karangalan sa grupo ng movie press na may umupo para sa konseho. Kaya naman isang magandang senyales na ang consistent sa rating na nasa number 3 ang aming kaibigan. Sana naman ay magtuluy-tuloy ito hanggang sa darating na election.

Hindi pa man nga siya kumakandidato ay malaki na ang kanyang partisipasyon sa mga barangay. At isa nga siya sa mga masugid na taga-suporta sa mga may breast cancer at iba pang mga proyekto. Kaya naman hindi lang siya ngayon, nagpapapogi.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleSeksing aktres, ayaw abusuhin ang lover na pulitikong may sabit! – Ronnie Carrasco
Next articleGeorgina Wilson, `di pa rin nakakalimutan ni Richard Gutierrez! – Archie de Calma

No posts to display