TURN-OFF! Sino ang aroganteng ka-date ni Ivana Alawi?

SI IVANA ALAWI ang latest celebrity guest ni Toni Gonzaga sa kanyang ‘Toni Talks‘ segment sa YouTube. Ilang online personalities and celebrities na rin ang nakapanayam ni Toni Gonzaga tulad nina Michelle Dy, Melai Francisco at Moira dela Torre.

Noong Linggo ay nabigla ang mga netizens na dalawa sa empowered women ng Pinoy YouTube world ang nagsama. Ang nagustuhan namin sa interview ni Toni kay Ivana ay mga tanong na gustong itanong mismo ng fans and followers ng dalaga ang kanyang tinanong (tongue twister pa more!).

TURN-OFF! Sino ang aroganteng ka-date ni Ivana Alawi?
Ivana Alawi

Dito ay ibinunyag ni Ivana Alawi na siya pala ang tagapagmana ng kanyang tatay na may ari-arian sa Bahrain. Bago ito pumanaw ay naramdaman ni Ivana na proud ang kanyang tatay sa tinatahak niyang karera sa showbiz. With her current earnings as a vlogger at endorser, kahit na hindi na matuloy ang mga teleserye na dapat niyang gawin sa Kapamilya network ay buhay na buhay ang dalaga. Bonus na lang ang pamana ng kanyang ama.

Sinabi rin ni Ivana na noon, ang simpleng pangarap niya ay ang maging isang yaya. Nag-upgrade ito into being a housewife kaya nag-aral ito ng Culinary sa Enderun.

Ang pinakajuicy na chika ni Ivana ay ang tungkol sa isang naka-date niya na sobrang na-turn off siya.

Nasa restaurant daw sila nitong aroganteng lalaki na sa tingin namin ay taga-showbiz dahil hesitant ito mag-confirm o mag-deny.

“May time kasi na we were eating in a restaurant. Pinagsisigawan niya yung waiter. Pinagmumura niya. Parang siguro he was trying to impress me. Pero siguro hindi niya alam sobrang na-turn off ako dun, the way that he treated that waiter,” kuwento ni Ivana.

“Sabi ko, kung ganyan siya magtrato sa waiter, di ba, he can treat me, anyone else, like that. Like, he could treat me, he could treat my family,”

Nag-walkout diumano si Ivana at pinuntahan ang waiter na binastos ng kanyang date. Siya pa ang humingi ng sorry dahil sa inasal ng kasama.

“Sabi ko, ‘Sorry, ha, sorry.’ Ganun-ganun. Kasi ayoko nang nakakita ng ganun.”

Nang tanungin ni Toni kung taga-showbiz ang lalaki,  “Hindi ko alam. Baka maghulaan na naman sila n’yan!” natatawang sambit ng dalaga.

TURN-OFF! Sino ang aroganteng ka-date ni Ivana Alawi?
Ivana Alawi

Sa ngayon ay single and available si Ivana.

“I like having a private relationship. Kasi feeling ko, kapag in-out agad namin, bilis siyang masisira kasi, lalo na kunwari yung lalaki affected sa mga basher or affected sa mga comments… Whether it’s showbiz or non-showbiz, I want it to be private.”

“Gusto ko kung sino yung next na relationship ko, siya na yung magiging asawa ko, siya na yung magiging tatay ng mga anak ko,”

Suwerte naman ng lalaking makakatanggap ng matamis na ‘OO’ and ‘I Do’ mula kay Ivana!