From Turkey with Love: McCoy de Leon at Elisse Joson, may iku-kumpirma?

ADVERTISING

From Turkey with Love: McCoy de Leon at Elisse Joson, may iku-kumpirma?

From Turkey with Love: McCoy de Leon at Elisse Joson, may iku-kumpirma?
McCoy de Leon and Elisse Joson (McLisse) in Instanbul, Turkey | Photo by Star Magic

NAKABALIK NA sina McCoy de Leon at Elisse Joson galing Istanbul, Turkey kung saan nag-shoot sila para sa isang special project for a lifestyle-fashion magazine.

 
Sa mga photo posting ng Star Magic about McLisse, kitang-kita na nag-enjoy ang dalawa sa biyahe nila na sa bawat lugar na pinupuntahan nila.
 
Ayon sa pagbabalita ng isang insider na malapit sa dalawa, “the best work-vacation” diumano ang Istanbul trip nila.
 
Papaano na hindi magiging “best” kung mula sa paggising  nila sa umaga hanggang sa paghihiwalay nila bago matulong, silang dalawa ang magkasama?
 
A friend who is a Pinay flight attendant ng Turkish Airlines na lulan sila na on their way back to Manila, si McCoy pa daw ang nag-request ng blanket para sa dalaga na medyo giniginaw.
 
“Sila ba ang mag-boyfriend?” PM sa amin sa messenger account namin ng FA friend namin.
 
Sagot ko lang, di ko sure pero sabi ng ilan, sila na daw.
 
From Turkey with Love: McCoy de Leon at Elisse Joson, may iku-kumpirma?
McLisse sa Instanbul

Who knows na ngayong nakabalik na sila for almost a week work-vacay ng dalaw, mas klaro na at magbibigay kumpirmasyon na ang dalawa?

 

Ikaw ba naman, sa araw-araw at gabi-gabi nilng pagsasama sa Turkey for almost a week ay magsisinungaling pa sila sa kanilang mga sarili?
 
Alam ko, mas klaro na ngayon sa dalawa kung ano meron sila. Hintayin na lang natin sina McCoy at Elisse na sila ng magkumpirma.
 
Now  na tapos na ang kanilang work-vacay with loving-loving ay balik-trabaho na muli ang dalawa.
 
Currently, they are taping  the new teleserye ng Dreamscape Entertainment  for Kapamilya Network na The Good Son kung saan makakasama ng dalawa sina Joshua Garcia at ilan mga senior actors. Kasali din ang McLisse sa MMFF 2017 entry na Ang Panday na first directorial job ni Coco Martin.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING