TUNAY NA MERRY: Toni Gonzaga, masaya sa positive feedback ng ‘Mary, Marry Me’

ADVERTISING

TUNAY NA MERRY: Toni Gonzaga, masaya sa positive feedback ng 'Mary, Marry Me'

TUNAY NA MERRY: Toni Gonzaga, masaya sa positive feedback ng 'Mary, Marry Me'
Toni and Alex Gonzaga

HAPPY ang lahat na nakapanood ng MMFF 2018 official entry ng TinCanP na Mary, Marry Me na pinagbibidahan ng magkapatid na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.

ADVERTISING

Laughtrip ang movie as expected. Kumbaga, kung papaano natin nakikita sina Toni at Alex in front of the camera or during interviews, ganun na ganun ang epekto ng kabaliwan nila lalo na itong si Alex na akala mo sinasapian na nakakabaliw.

TUNAY NA MERRY: Toni Gonzaga, masaya sa positive feedback ng 'Mary, Marry Me'
Paul Soriano

Last Thursday, December 20 red carpet premiere na isinagawa sa SM Megamall Cinema 1, iisa ang reaksyon ng mga nakapanood ng pelikula ng magkapatid with Sam Milby as their male screen partner.

Kung avid fan ka ng magkapatid, lalo na ang kakengkoyan nitong si Alex, hindi mo pagsisisihan ang pelikula ng Gonzaga siblings na first directorial job naman ni Direk JC delos Reyes.

ADVERTISING

Aliw at laugh trip na family movie ang Mary, Marry Me.

Kung ang objective ng pelikula ay makapagpatawa na ang target market o audience ay ang pamilya, swak na swak at pak na pak ang pelikula na first movie na prinodyus ng bagong production outfit na itinayo ni Toni para magawa ang mga story ideas niya into film.

TUNAY NA MERRY: Toni Gonzaga, masaya sa positive feedback ng 'Mary, Marry Me'
Mommy Pinty and Daddy Boknoy

Malaki ang suporta ng mga komedyante na sina Melai Cantiveros at Bayani Agbayani.

In short, naitawid ng Gonzaga sisters ang gusto nila mangyari sa pelikula nila.

In last Thursday’s preem, dumating to support Toni and Alex ang parents nila na sina Mommy Pinty at Daddy Boknoy, Fifth Solomon, Mikee Morada (boyfie ni Alex) at si Bea Alonzo.

Congratulations and goodluck to Team Mary, Marry Me.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING