TUMIKLOP! Ivana Alawi, aminadong crush noon si Paulo Avelino

ADVERTISING

BIDA NA ang Kapamilya sexy actress/YouTube superstar na si Ivana Alawi sa Halloween movie presentation ng IWantTFC sa pelikulang ‘Sitsit‘ kung saan bida rin ang magaling na aktor na si Jake Cuenca.

This film has two episodes (Aswang and Scorpio) mula sa direksyon nina Erin Pascual at Ato Bautista. Ito ay co-produced by Paulo Avelino, na napansin namin na mukhang napapadalas na rin ang pagsuot ng aktor ng kanyang ‘producer’s hat’ simula nang sumugal siya sa Goyo at I’m Drunk, I Love You. This time ay hindi siya kasama sa main cast.

ADVERTISING
TUMIKLOP! Ivana Alawi, aminadong crush noon si Paulo Avelino
Ivana Alawi and Paulo Avelino

Sa online interview na ginanap para sa mga artista ng Sitsit, nabanggit ni Ivana na tahimik lang sa set si Paulo kapag siya ay naka-producer mode. Kahit parehong bida sa pelikula ay hindi naman nabigyan ng pagkakataon na magkatrabaho sina Jake at Ivana dahil nasa magkaibang episodes sila.

Biglang na-shy si Ivana nang tanungin siya tungkol sa kanyang experience working with Ivana. Nabunyag ng dalaga na crush niya pala noon si Paulo Avelino!

“Kasi dati, crush ko si Paulo. So ayun… nung nakita ko siya, sobrang tahimik. Andun lang siya sa isang puwesto. Pero very caring naman siya kasi lagi siyang nagchi-check in kung ‘O, kamusta? May problema ba? So na-appreciate ko naman ‘yun” masayang kuwento ni Ivana.

ADVERTISING

Nang hingian ng reaksyon si Paulo, sinabihan niya si Ivana na baka kailangan nitong mag-eyedrops at tumingin ulit! Ha-ha-ha!

“Wala rin akong masabi pag ganyan. Hindi ko alam kung magti-thank you ba ako..” nahihiyang sagot ng aktor. “Pero ano.. huwag kang mag-alala. Crush ka rin namin lahat!”

For sure, kinilig ang fangirl heart ni Ivana at may kilig din sa part ni Paulo. Why not produce a movie or mini-series soon na silang dalawa naman ang magkapartner, diba?

Panoorin ang trailer ng Sitsit na mapapanood na bukas, October 31 sa IWantTFC!

 

ADVERTISING