Tum: My Pledge of Love: The ‘Sugod’ Screening

ADVERTISING

MATAGUMPAY ANG SPECIAL screening ng kaunaunahang pelikula nina Papa Robin Padilla at Mariel Rodriguez na magkasama, ang Tum: My Pledge of Love sa Rockwell Makati City noong March 14. Naunang dumating si Papa Binoe at hindi muna ito nagpaunlak na magpa-interview sa press dahil kailangan daw munang hintayin ang kanyang dear wifey na si Mariel. Ganu’n talaga?

Ayon sa tinaguriang Bad Boy ng Philippine Cinema, hindi raw away ang dahilan kung bakit hindi nito kasabay ang asawa na dumating sa venue ng screening. Busybusy-han daw kasi ang lola n’yo sa pagtulong sa mga anak niyang sina Queenie at Kylie sa pagbibihis ng mga ito. Naman, kayo na ang maging Mommy Mariel, duhba? He-he!

ADVERTISING

Ang Tum: My Pledge of Love ang unang pelikula kung saan magkasama sina Mariel at Papa Binoe kasama rito ang kanyang anak na si Queenie, si Ejay Falcon, atbp. Si Robin din ang direktor at scriptwriter nito. Sa India ang shooting ng karamihan sa mga eksena sa pelikula. Sa April 6 pa ito ipalalabas sa mga sinehan, pero nagkaroon na ito ng special screening para sa mga kaibigan ni Papa

Binoe at sa mga tauhan ng Indian Embassy. Narito ang ginawang pagsugod ng aming kamerang-gala

sa nasabing event, kaya sabay-sabay nating silipin ang inyong mga peborit taartits na nakigulo rin, hek-hek!

ADVERTISING

Parazzi Wires Photos

Ni MK Caguingin

Tum: My Pledge of Love: The ‘Sugod’ Screening

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING