TULOY ANG BUHAY: Mark Herras, sinagot na ang isyu tungkol sa pangungutang ng P30K

TULOY ang buhay para sa Kapuso actor and Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras. Naging usap-usapan kasi noong nakaraang buwan ang pangungutang diumano nito ng PHP 30,000 sa kanyang ex-manager na si Lolit Solis.

TULOY ANG BUHAY: Mark Herras, sinagot na ang isyu tungkol sa pangungutang ng P30K
Mark Herras

Kamakailan lang ay tuluyan nang nilaglag ni Lolit Solis si Mark Herras sa kanyang mga rooster of talents. Lumagda na rin ito ng exclusive management contract sa GMA Artist Center at nakatakda na rin siyang sumailalim sa lock-in taping para sa kanyang next teleserye project.

Sa kanyang latest vlog ay special guest niya ang good friend na si Eric Fructuoso. Dito ay ginawa nila ang famous ‘Sagot o Lagot’ challenge kung saan tinanong sila ni Nicole Donesa (partner ni Mark) ng mga controversial questions. May punishment kung sakaling ayaw nilang sagutin ang mga katanungan.

“Magkano ang laman ng bank account mo?” tanong ng misis ni Mark at natawa na lang ito.

“Mga PHP 30K siguro. Inom na lang ako para walang issue!” sagot pa nito at hinabol na ‘private’ matter ito kaya hindi dapat dinidisclose sa public ang ganitong mga sensitibong bagay.

“Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, ‘yung anak ko, alam ko may pera sa bangko.”

Para hindi na kulitin pa ay ininom na lang ni Mark ang suka na may bagoong.

May mga interesting revelations din ang magkaibigan tulad ng kung sino ang kinakatakutan nilang makatrabaho na artista at kung anu-ano pa.

 

Para sa amin, happy kami na ni-renew ng Kapuso network ang kontrata ni Mark lalo na’t mas kailangan niya ito ngayon. Good news din para sa fans niya na magkakaroon na ito muli ng teleserye. Kung hindi kami nagkakamali, ito ay ang ‘Artikulo 247’ with Rhian Ramos and Jackie Rice.

Bukas naman si Mark sa ideya ng paglipat kung sakaling hindi man siya maalagaan ng kanyang home network. Siguro, dapat ay mas galingan na ni Mark ang kanyang pag-arte dahil hindi rin biro ang mga magagaling na artista sa GMA. Hindi na rin siya bumabata!