‘TULFO’ CHAPTER SARADO NA: Michelle Banaag humingi ng paumanhin kay Super Tekla

MALAKING iskandalo noong 2020 ang hindi inaasahang pagpapa-Tulfo ni Michelle Banaag kay Super Tekla (Romeo Librada sa totoong buhay), na nagviral at inabangan ng mga netizens.

'TULFO' CHAPTER SARADO NA: Michelle Banaag humingi ng paumanhin kay Super Tekla
Michelle Banaag and Super Tekla

Matatandaan na lumabas sa programa ni Raffy Tulfo ang ex-live in partner ng Kapuso comedian at inireklamo si Tekla na diumano’y inaabuso siya nito. Mabibigat ang mga paratang ibinato nito on air na umabot sa puntong maraming netizens ang nanlait kay Super Tekla at puro masasakit na salita ang tinanggap nito.

Thanks to concerned people on Super Tekla’s side tulad ng bestie nito na si Donita Nose, naisiwalat din kung ano talaga ang totoo sa likod ng mga paratang. In short, naipakita in a series of vlogs ng DonEkla in Tandem ang estado ng condo unit na tinutuluyan nina Tekla kasama ang mga kapamilya ni Michelle Banaag. Dahil dito ay kay Tekla na kumampi ang mga tao. Maging si Sir Raffy Tulfo ay humingi ng dispensa sa partido ng komedyante.

Noong August 1 ay lumabas ang video kung saan ‘nagharap’ na ang ex-lovers.

May mga concerned netizens naman na nababahala dahil baka raw magbalikan pa ang dalawa, kahit pa naging ‘destructive’ sa karera ni Super Tekla ang ginawa ni Michelle noong nakaraang taon. May pagsisisi naman sa mukha ni Michelle at siguro’y napagtanto na rin nito na isang malaking pagkakamali ang kanyang ginawang paglaglag sa kanyang ex-dyowa.

Panoorin ang harapan nina Michelle at Tekla with Donita Nose. Kayo na ang humusga!

Masasabi na nakabangon kaagad si Super Tekla sa kontrobersiya na kanyang kinasangkutan. Maliban sa kanyang bonggang YouTube channel with Donita Nose na ‘DonEkla in Tandem’ na habang tumatagal ay dumadami ang viewers, tuloy-tuloy din ang pag-ariba ng kanyang TV show na ‘The Boobay and Tekla Show’ with Boobay.