Tulad sa nangyaring hiwalayan nila ni Rayver Cruz
Sarah Geronimo, nagrerebelde na naman?!

ADVERTISING

<B>Tulad sa nangyaring hiwalayan nila ni Rayver Cruz</b><br> Sarah Geronimo, nagrerebelde na naman?!

<B>Tulad sa nangyaring hiwalayan nila ni Rayver Cruz</b><br> Sarah Geronimo, nagrerebelde na naman?!GUSTO NA naman daw magrebelde ni Sarah Geronimo.

Tama ba ang nasagap naming balita na gusto na nitong ipagupit muli ang kanyang buhok?

Naku, baka naman paglabas ng column na ito ay nagkapagpagupit na siya ng kanyang hair.

At bakit naman gustong magpagupit ni Sarah ng buhok?

ADVERTISING

Ano pa, eh, ‘di bilang pagrerebelde sa kanyang madir na naging dahilan ng pagkaudlot ng kanyang love life.

Kahit hindi man i-verbalize ni Gerald Anderson, ang kanyang ina ang dahilan kung bakit nag-give up na siya sa panliligaw kay Sarah.

Alam kasi niyang puro pakitang-tao lang ang ipinararamdam ni Mommy Divine sa kanya, na hindi siya nito feel bilang manliligaw ng kanyang dalaga.

Let’s see kung one of these days nga ay bago na ang haircut ni Sarah.

Remember, there was a time na nagpagupit din siya noon nang magkahiwalay sila ni Rayver Cruz.

 

BLIND ITEM: May kaplastikan ang komedyanteng ito.

A few years ago kasi ay imbiyernang-imbiyerna siya sa madir ng isang young singer actress dahil ginising ba naman siya sa kanyang pagtulog para lang itanong kung napasama sa mga bagahe niya ang nawawalang imported na damit ng singer.

The comedienne was roused from her sleep at talagang hindi niya nagustuhan ang inasal ng madir ng young star.

Maging ang male singer na nakasama ng female singer sa isang talent show ay kinatok din ng madir para itanong kung naroroon ang hinahanap niyang nawawalang damit ng kanyang anakis.

Siyempre, naloka ang male singer. Ano nga naman ang gagawin niya sa pambabaeng damit, eh, lalaking-lalaki siya.

Now, ang komedyante pa ang nag-interview sa madir at fadir ng singer nang maging guest ito sa show ng hitad.

Any which way we look at it ay isa itong malaking kaplastikan.

 

IPINAGTANGGOL NI Kris Aquino ang kanyang kapatid na si president Benigno Aquino III matapos itong umani ng batikos dahil sa pagtataray niya sa TV Patrol news anchor and former vice president Noli de Castro.

Matatandaang nagpasaring si P-Noy kay Kabayang Noli noong mismong selebrasyon ng 25th anniversary ng TV Patrol.

Sa Twitter ay napilitan na siguro si Kris na sagutin ang kanyang followers. Marami kasi ang naniniwalang hindi dapat ipinahiya ng kanyang elder brother si Kabayang Noli sa gitna pa mismo ng silver anniversary ng TV Patrol.

“That’s y we live in a DEMOCRACY. Our president is free to express himself & so r u. Good night,” sabi ni Kris.

“PNoy is our president & I do believe the majority of our people feel he’s doing a great job. Maybe he just like anybody else has the right to defend himself & express his opinion? Freedom of speech is a 2 way street right?” dagdag pa niya.

Na-late yata ng reaction si Kris. Ito naman ang kanyang pahayag tungkol dito: “I didn’t hear about the issue til Saturday. And if u review all my tweets, I’ve been circumspect. Good night.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING