TULAD NINA VICE GANDA AT ALEX GONZAGA NA SINUGALAN NG SHOW: Joed Serrano, malaki ang tiwala kay LA Santos

ADVERTISING

TULAD NINA VICE GANDA AT ALEX GONZAGA NA SINUGALAN NG SHOW: Joed Serrano, malaki ang tiwala kay LA Santos

TULAD NINA VICE GANDA AT ALEX GONZAGA NA SINUGALAN NG SHOW: Joed Serrano, malaki ang tiwala kay LA Santos
Joed Serrano and LA Santos

SA PRESSCON, may bagong tag or moniker si LA Santos courtesy of writer Rey Pumaloy. Bagay sa kanya na tawagin na “The Singing Idol”.

Nakitaan ng kakaibang talent ng show producer na si Joed Serrano ang binata.

“Iba ang passion ni LA sa kanyang nasimulang career in singing nang makita ko mag-perform kaya nagdesisyon ako na i-manage ang career niya at i-produce ng show at tulungan sa showbiz,” panimula ng Joed who heads J.E.D.I (Joed Entertainment Department, Inc,).

Ayon sa kuwento  ni Joed during the presscon as show producer: ”Tito Boy Abunda told me about LA, sabi niya sa akin, ‘Please look at LA’s video sa YouTube and then tingnan mo, napaka-special ng batang iyan. So, I saw the video Tinamaan, hindi pa ako roon agad-agad na-convince. But up until… eto swear to God, ito iyong totoo, nakita ko iyong video ng version niya ni Moira na Titibo-Tibo and from there, roon ko naintindihan ang sinasabi ni Tito Boy. 

ADVERTISING

“Tapos nalaman ko nga iyong passion niya sa pagkanta, iyong pangarap niyang maging singer at artista. Naalala ko iyong sarili ko noon, eto ha, it reminded me na hindi lahat ng gustong mag-artista o kumanta ay mahihirap, hindi lahat gusto yung katulad namin na gustong mag-perform sa magulang, hindi ganoon “kuwento sa amin ng taong nagbigay ng break kina Vice Ganda at Alex Gonzaga sa first ever Araneta Coliseum concert nila years ago.

TULAD NINA VICE GANDA AT ALEX GONZAGA NA SINUGALAN NG SHOW: Joed Serrano, malaki ang tiwala kay LA Santos
Joed Serrano

Dagdag pa ng J.E.D.I. producer: “Mayroon din naman iba na gusto lang talagang ma-fulfill yung mga pangarap nila sa buhay. Dumaan ako roon eh, sa pag-aantay. I’m sure karamihan sa inyo alam iyan,” kuwento niya na super excited sa first major concert ng binata.

Sa mga hindi nakakakilala kay Joed (aside from being a talent of German Moreno’s That’s Entertainment kung saan kasabayan niya sina Romnick Sarmienta at Harlene Bautista); bukod kin Vice at Alex na nai-produce na niya ng malalaking concert, show producer din siya ng mga foreign acts at ang latest ay ang nalalapit na concert ni Celine Dion.

With Joed’s standard and taste, maniniwala na ako na magaling nga si LA.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING