Tuesday Vargas, inggit na inggit sa lambingan nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez

Tuesday Vargas, inggit na inggit sa lambingan nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez

Tuesday-VargasSA PAGBABALIK ng Talentadong Pinoy ay muling “maloloka” na naman si Tuesday Vargas. Hindi dahil sa hirap ng kanyang ginagawa sa show na hosted ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriquez.

“Naloloka” raw si Tuesday kina Robin at Mariel dahil para raw loro kung magtukaan at maglambingan ang mga ito sa tuwing nakikita niya. Super bilib nga raw siya kay Mariel sa pagmamahal at suportang ibinibigay kay Robin na parang hari kung ituring.

Dahil sa laging nakikita ang pagmamahal at pag-aasikaso ni Mariel kay Robin ay nahawa na raw tuloy si Tuesday, kaya ganoon din daw ang pag-aasikaso at paglalambing niya sa kanyang asawa.

Masaya si Tuesday at siya uli ang kinuhang co-host ng mag-asawang Robin at Mariel ng Talentadong Pinoy. Kaya naman tinutumbasan niya ito ng wagas na pagtatrabaho. Ibinibigay niya ang kanyang best sa kahit na anong trabaho na ipinagkakatiwala sa kanyang ng TV5.

Sinusunod lang daw niya ang ipinag-uutos sa kanya ng management at kahit daw i-assign pa siya sa pagse-set up ng ilaw ay malugod pa rin raw niya itong gagawin kung kailangan.

Naging masaya ang Pasko ni Tuesday dahil dumating ang kanyang ina galing Japan para makasama siya at ang nag-iisang apo nito. Sa Baguio sila nag-reunion kasama ang pamilya ng kanyang husband na dating gitarista ng bandang Session Road na si Coy Placido.

Habang nasa bansa ang kanyang mommy ay nagbabalak silang mag-ina na magtayo ng negosyo at naghahanap na sila ng property na pagtatayuan ng kanilang business.

Gusto na rin ni Tuesday na masundan ang anak nila ni Coy na 13 years old na ngayon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo