Tuesday Vargas, Dasuri Choi at Kim De Leon bagong cast members ng Bubble Gang

MAY MALAKING pagbabago sa longest running gag show ng bansa na Bubble Gang. Simula ngayong May 27 ay may major ‘relaunch’ na magaganap sa nasabing Friday night favorite.

Magbabalik na sa studio si Michael V. pagkatapos ng halos dalawang taon ng pagwo-work from home. Sa mga long Bubble Gang mainstays ay iilan lamang sa kanila ang ‘nag-survive’ sa ‘tsugian’ na nangyari sa programa. Ang mga masuwerteng napili para manatili sa programa ay sina Paolo Contis, Betong, Archie Alemania, Sef Cadayona,  Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Analyn Barro, Faye Lorenzo at Kokoy de Santos.

Tuesday Vargas, Dasuri Choi at Kim De Leon bagong cast members ng Bubble Gang
Bubble Gang 2022 members: Sef Cadayona, Analyn Barro, Kokoy De Santos, Faye Lorenzo, Archie Alemania, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Betong, Paolo Contis and Michael V

Yes, ang ilan sa mga ‘iconic’ mainstays ng programa ay tinanggal na sa programa. Nakakalungkot, pero walang forever!

Sa pag-alis ng mga dating miyembro ay may tatlong idadagdag. ‘Yan ay ang veteran singer/actress na si Tuesday Vargas (na sa totoo lang ay namiss namin!), ang talented Korean na marunong magtagalog na si Dasuri Choi at ang Starstruck 7 Ultimate Male Survivor and Kapuso rising actor na si Kim De Leon. Hindi lang kami sure kung kasama ba talaga si Faith Da Silva bilang permanent member dahil hindi kasama ang beautiful face and body nito sa formal pictorial ng programa.

Tuesday Vargas, Dasuri Choi at Kim De Leon bagong cast members ng Bubble Gang
Tuesday Vargas, Kim De Leon and Dasuri Choi

Kunsabagay, karamihan naman sa mga tsinugi sa Bubble Gang ay may kani-kanyang raket sa GMA, kaya siguro okay lang sila na mag-give way… nga ba? Haha! Maritessssss, anong latest?!

Hahatulan na ngayong Biyernes, May 27 kung worth it ba ang pagbabagong ito sa Bubble Gang.

Previous articleAngelica Panganiban at BF na si Gregg Homan, binalikan ang kanilang love story
Next articleVLOG WATCH: Jak Roberto and Barbie Forteza celebrates 5th anniversary in Bohol!