Tsugi na sa Darna: Mark Anthony Fernandez, balik-droga? – Ruben Marasigan

ADVERTISING

Tsugi na sa Darna: Mark Anthony Fernandez, balik-droga? - Ruben MarasiganTsugi na sa Darna: Mark Anthony Fernandez, balik-droga? - Ruben MarasiganNAG-LAST TAPING DAY na raw kamakailan si Mark Anthony Fernandez sa Darna. Kaugnay nito, iniintrigang muli ang aktor sa kung ano raw nga ba ang dahilan at tinapos na ng GMA-7 ang kanyang partisipasyon sa nasabing top rating fantasy series na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Ang ikinakabit na isyu, pinagdududahan daw kasi itong si Mark na baka bumalik na naman diumano sa masamang bisyo.  Dahilan para mapagdesisyunan daw na tigukin na lang ang character na ginagampanan niya.

ADVERTISING

Pero iba naman ang bersiyon ng isang GMA insider nang matanong namin tungkol dito. Hindi raw totoong back into drugs na naman ang aktor. Masyado lang daw kasing nangarag itong si Mark sa sagad-sagarang taping nito for Darna.

Dahil dito, nag-decide daw ang Siyete na sandaling pagpahingahin muna siya. Nakatakda kasing mag-shooting si Mark ng pelikulang pagtatambalan nila ng ex-girlfriend niyang Kapuso na rin ngayon na si Claudine Barretto which will be produce by GMA Films.

Gusto lang daw ng Channel 7 na makapagpahinga nang husto si Mark. Para raw fresh na fresh ito kapag nagsimulang gumiling ang camera para sa movie nila ni Claudine.

ADVERTISING

In fairness to Mark, we don’t think na babalikan nga niyang muli ang pagbibisyo. Natututo na siya sa malaking pagkakamali niyang iyon dati na naging dahilan ng masalimuot niyang pamumuhay noon.

Gugustuhin ba niyang maging magulo na naman ang ngayo’y masaya, komportable, at maayos na lagay ng kanyang buhay sa piling ng kanyang pamilya bukod sa magandang takbo ng career niya ngayon?

Mas gusto naming paniwalaan na pinanindigan pa rin ni Mark at hindi na siya bibitaw pa kailan man sa pagbabagong buhay na matagal na niyang sinimulan.

YESTERDAY, NAPADAAN kami sa isang studio sa GMA-7. Pagsilip namin, nagpi-pictorial doon sina Aljur Abrenica at ang ka-loveteam niyang si Krist Bernal. VTR pictorial yata iyon para sa bago nilang TV series na may titulong The Last Prince.

May pagka-fantasy ang tema nito. Kaya siguro kuntodo naka-warrior costume itong si Aljur na pinagmukhang beast sa prosthetic na nakalagay sa kanyang mukha.

Ang aktong naabutan namin, parang walang malay na ibinabangon ni Aljur ang naka-kamison na si Kris. Magkakamalay ang huli, magtatama ang kanilang paningin, tapos magki-kiss sila sa lips.

Paulit-ulit ang nasabing take. Hindi na nga namin mabilang kung ilang beses nang nagdikit ang mga labi ng dalawa.

Angal ng direktor nilang si Mac Alejandre, hindi raw convincing ang dalawa sa gano’ng tagpo. Kulang umano sa emosyon.  Wala umano itong nararamdamang romansa sa dalawa while doing the said act na kinukunan ng video at stills.

Hanggang finally, nakuha rin nina Aljur at Kris ang hinahanap ni Direk Mac. Nag-break sandali at inayos ang set.  Naupong magkatabi sa isang sulok ng studio ang magka-loveteam. At napansin namin na parang very cold nga sila sa isa’t isa.

Ni hindi sila nagtsi-tsikahan. Parang wala lang. Kapwa matamlay na animo’y parehong may sakit.

Lalapitan sana namin para i-ambush interview pero sumigaw na ang kanilang direktor na back to work na sila. Because they have to finish it daw within the next two hours.

Hindi na namin mahihintay na matapos sila after two hours. Umalis na lang kami baon ang katanungang, ang rumored real life girlfriend kaya ni Aljur na si Rich Asuncion kaya ang dahilan ng pagiging cold sa isa’t isa off-cam ng screen sweethearts?

Iyon ang unang itatanong namin sa kanila, the next time na magkaroon kami ng chance to talk to them.

Pramis!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING