Tsismis kay Willie Revillame, pinagtawanan lang ni Lorna Tolentino! – Julie Bonifacio

NAG-IIPON NA SI Lorna Tolentino ng pambili ng lupa para sa ipapapatayo niyang bahay.  Malaki raw kasi ang nagastos ni Lorna sa pagpapatayo ng museleo ng yumao niyang asawa na si Rudy Fernandez.  Presyo na raw  kasi ng isang bahay ang  halaga ng museleo ni Daboy sa The Heritage Park.

Gusto kasi ni Lorna na iwan na ang bahay nila ni Rudy sa White Plains. Masyado raw kasi maraming alaala ni Daboy ang nakikita ni Lorna  sa bahay nila. Hanggang ngayon ay umiiiyak pa rin daw siya tuwing umaga at bago siya matulog.

Plano rin ni Lorna na bumili ng farm sa Zambales.  Dito raw kasi nakabili ng farm ang kaibigan niyang si Isabel Rivas at kabisado na ang lugar. Hinihintay lang daw ni LT ang kaibigan niyang si Terri bago siya bumili ng farm sa Zambales.

Natutuwa si Lorna sa magandang feedback sa Dahil May Isang Ikaw especially ng mga abugado na  sumusubaybay sa show.

“Nakakatanggap  kami ng feedback from them na pinapanood talaga nila ang  Dahil May Isang Ikaw. Gusto nila ang show kasi napapakita talaga kung ano  ang buhay nila  at nalalaman ng mga tao na may  social life rin sila kapag wala sa court room. Pati na ang mga abugado sa PAO (Public Attorney’s Office) ay nagpapasalamat sa show dahil napapakita ang napakalaking tulong na ginagawa nila sa mga walang pambayad ng abugado,” lahad ni Lorna.

At sa nababalitang mga manliligaw niya  tulad ni Willie Revillame, natatawa lang si LT. Knows naman kasi ng mga gustong pumorma sa kanya na napakarami nilang pagdaraanan bago siya maligawan. Una na ang mga kaibigan ni Daboy. Sumunod ang kanyang mga  anak na lalaki.

Arnold Reyes, kaabang-abang sa In My Life

SUNUD-SUNOD ANG grasya para kay Arnold Reyes. After winning the Best Supporting Actor award sa Cinemalaya this year for Astig, he gets the chance to be in the cast of In My Life at maka-eksena ang  Star For All Seasons na si Vilma Santos.

He plays the husband of Dimples Romano sa In My Life na  isa sa anak ni Governor Vi. Nu’ng una raw talagang kinabahan siya. Pero nu’ng si Governor Vi raw mismo ang  sumuporta sa kanya, naibsan na ang kaba.

“‘Yung first scene kasi namin ni Ate Vi, magkausap kami. So,  nu’ng si Ate Vi muna, siyempre, sinuportahan namin siya. Tapos nu’ng ako na, nu’ng eksena na namin, sabi ni Direk (Olive Lamasan), ‘O rest muna si Ate Vi.’ Tapos sabi niya, ‘Hindi, hindi Direk, susuportahan ko sina Arnold.’ Kahit hindi sa kaya nakatutok ang kamera, nandu’n pa rin siya. Grabe! Ang bait pala ng isang Vilma Santos. ‘Tsaka ang dami ko’ng natutunan sa kanya,” kwento ni Arnold.

Feeling ni Arnold, nagsisimula ulit siya every  time may new project siya kahit nanalo na siya ng award. And in fairness, award-winner na rin si Arnold tulad nina Governor Vi at John Lloyd Cruz.

“Binibiro nga ako nina Inang (Direk Olive), ‘Naku, Arnold, darating din ‘yang moment mo.’ Kasi, kinukwento niya si John  Lloyd ay doon din nagsimula. ‘Tsaka, tuwang-tuwa  sila nu’ng nanalo ako. Pagdating  ko sa set, niyakap ako ni Direk.   Sabi niya, ‘Arnold, congratulations,’ ganu’ng-ganun. Si Ate Vi, hinug din ako. Tuwang-tuwa sila,” masayang sabi ni Arnold.

Sinagot din ni Arnold ang intriga tungkol sa award sa Cinemalaya.

“Basta  nasa akin na ’yung trophy, ayos na ‘yun.  Kasi binigay ko naman lahat para sa Astig. Talagang pinagtrabahuan ko,” diin ni Arnold.

‘Yun na.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Previous articleMartin Nievera, ‘di takot umiyak! – Eddie Littlefield
Next articleGeneva Cruz, ipare-rehab? – Alex Brosas

No posts to display