Tricia Centenera, gusto na raw ma-divorce kay Gab Valenciano

ADVERTISING

 alt=

Gab Valenciano & Tricia Centenera (courtesy of www.brideandbreakfast.ph)
Gab Valenciano & Tricia Centenera (courtesy of www.brideandbreakfast.ph)

Matinding pagsubok pala ang pinagdaraan ngayon ng marriage nina Gab Valenciano at Tricia Centenera. Ayon sa kumakalat na balita, nais ng mag-asawa na mag-file ng divorce.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng paghihiwalay nina Gab at Tricia, pero nitong mga nakaraang araw, may mga pahiwatig si Tricia sa social media tungkol sa pagkamuhi niya sa “cheaters”.

Ani Tricia sa isa niyang tweet, “Rebuilding, because I don’t tolerate cheaters.”

Para sa social media followers ng mag-asawa, patungkol kay Gab ang mga post ni Tricia.

ADVERTISING

Pansin din ng kanilang followers ang pagbabago sa postings ng mag-asawa na dati-rati, mga video na magpapatunay ng kanilang pagmahahalan ang kanilang ipino-post.

May tsika pa na wala raw si Gab sa birthday celebration ni Tricia, at diumano, ‘divorce’ daw ang nagging birthday wish ng babae.

Kapansin-pansin din ang matinding pinagdaraan ni Gab sa kanyang mga postings. Aniya, “ Life is a continuous journey of struggle. Might as well live it by struggling strong.”

Sinundan ito ng isa pa niyang tweet: “Lord. My heart is fully yours. Mend it with your goodness. Complete me with your love. In this sincere brokenness, may you be my wholeness.”

March 2015 nang ikinasal sina Gab at Tricia sa Tagaytay at sa Boracay bago sila nanirahan sa Amerika

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING