Travel Vlogger at Ex-PBB housemate na si Wil Dasovich, may cancer

ADVERTISING
Travel Vlogger at Ex-PBB housemate na si Wil Dasovich, may cancer
WIL DASOVICH

ISANG NAKAKALUNGKOT na balita ang aming nakalap sa pag-browse ng aming YouTube subscription.

Sa pinakabagong video update ng sikat na YouTuber at dating PiBB housemate na si Wil Dasovich ay ibinunyag nito na siya ay na-diagnose with cancer.

Sa mga hindi nakakakilala kay Wil Dasovich, kilala siya bilang isa sa pinakasikat na Youtubers sa Pilipinas partikular sa larangan ng travel vlogging. Naging viral ang kanyang video kung saan nagbi-beki speak sila ng kanyang ama (Tsong and Tsonggo). Dahil dito, inanyayahan na siya na lumabas sa samu’t saring commercials at lumabas sa ilang programa ng GMA-7, TV5 at ABS-CBN. Ang latest nga ay ang stint niya sa Pinoy Big Brother.

Sa mga netizens at Youtube addicts, si Wil ang kanilang go-to channel pag kailangan nila ng inspirasyon pagdating sa paglalakwatsa. Ang kanyang energetic and bubbly personality ang naging selling factor niya kaya siya umano ng half a million subscribers sa YouTube.

Kahit na masasabing may pangalan na siya dahil sa kanyang exposure sa PBB, sinigurado nito na nakakapag-upload pa rin siya ng videos araw-araw. Ipinagtaka ng mga followers niya ang biglaang pagbalik sa Amerika dahil supposedly ay may mga commitments pa ito for other travel sponsors. Sa ilang video uploads nito ay ibinunyag niya na siya’y may ‘mystery illness’ at ngayon ay nakumpirma na niya na siya’y may cancer.

ADVERTISING

Sa video na kanyang inupload ngayong hapon ay ipinakita niya ang kanyang journey bilang isang YouTuber. Sa dulo ay ni-reveal niya na siya nga ay may sakit na cancer pero hindi ito hudyat para tumigil siya sa pagpopost ng vlogs.

Nakakagulat ang sinapit ng binata dahil napakabata pa nito. Buti na lang at nadiagnose na ito at sana’y makarecover kaagad.

On behalf of Pinoy Parazzi, we are praying for your full recovery, Wil Dasovich. Marami ka pang lugar na dapat puntahan!

ADVERTISING