Transgender singer Angel Bonilla, ikinasal na sa kanyang discoverer na si Eduard Bañez?

ADVERTISING

Transgender singer Angel Bonilla, ikinasal na sa kanyang discoverer na si Eduard Bañez?

Angel Bonilla & Eduard Bañez
Angel Bonilla & Eduard Bañez

“Soulmate,” ang mariing sagot ng transgender singer at X Factor USA finalist na si Angel Bonilla nang tanungin kung kinasal ba sila sa abroad ng kanyang discoverer at dating Star Magic talent, Net 25 newscaster at Philippine Socialite na si Eduard Bañez.

Walang kumpirmasyon si Angel Bonilla kung anong relasyon meron sila sa LA, basta’t nagkakaintindihan daw sila. Balitang nag-iiyak at nalungkot si Eduard Bañez nang umuwi sa Pilipinas si Angel at iniwan siya.

Yes, nasa ‘Pinas ngayon si Angel. May back to back concert sila ng X Factor Israel Grand Winner na si Rose “Osang” Fostanes sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City sa August 24, 9 p.m. entitled “Voices …The Concert featuring the X Factor Stars”. Maraming kanta ang inihanda ni Angel with Knights Band kasama ang kanyang winning song sa Discovery Pop Music Festival. Naging representative ng Pilipinas si Angel at naging second runner-up.

Makasasama rin sa nasabing concert ang produkto ng “X Factor”, New Millenium Kilabot ng mga Kolehiyala at 1st Runner-Up sa “Your Face Sounds Familiar” na si Michael Pangilinan at ang X Factor Philippines / stand-up comedian na si Osang.

ADVERTISING

Nandiyan din ang Kapuso Star na si Marika Sasaki, ang recording artists na sina Idolito Dela Cruz at Mei Cruz.Tampok din ang all-female group na alaga ni Jojo Veloso na “The Fabulous Girlfriends” at all-male  group na Brat Boys. Aaliwin din tayo ni Ron Mclean, ang Zero Ground, at Four Dimensions.

Ang sponsors ng naturang concert ay BeautéDerm, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Fernando’s Bakery, Ysa Skin and Body Experts, UniSilver Time, at Sogo Hotel.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING