Transgender na si Angel Bonilla, nagbigay ng karangalan sa ‘Pinas

Transgender na si Angel Bonilla, nagbigay ng karangalan sa 'Pinas

Angel Bonilla
Angel Bonilla

May rason para muling magbunyi ang mga Pilipino at ito ay dahil sa pagwawagi ng transgender na si Angel Bonilla sa katatapos na International Pop Music Festival sa Europe na ginanap sa Varna, Bulgaria.
Pumuwesto ng pangalawa among 57 countries ang ating pambato na si Angel at inaalay raw nito sa bansang Pilipinas ang kanyang tagumpay sa nasabing kompetisyon.
Tsika nga ni Angel Bonilla, “Out of 57 countries, Philippines placed 2nd runner-up. This is for you Philippines and to my LGBT Family. Thank you to all the people who helped me. Mabuhay po ang Pilipinas!”
Isang tao pang sobra-sobra ang kasiyahan ay ang mentor nito na si Eduard Bañez na mula pa lang sa umpisa ng laban ni Angel ay nand’yan na at nakasuporta.

Mula sa Pinoy Parazzi, congratulations Angel!

John’s Point
by John Fontanilla