Trailer ng pelikulang “The Escort” ni Lovi Poe sa YouTube, umabot na sa 1.5 million views

ADVERTISING

Trailer ng pelikulang “The Escort” ni Lovi Poe sa YouTube, umabot na sa 1.5 million views

Derek Ramsay and Lovi Poe
Derek Ramsay and Lovi Poe

Dahil sa maiinit, daring, at naglalagablab na mga eksena ni Lovi Poe kina Derek Ramsay at Christopher de Leon sa pelikula ng Regal Entertainment na “The Escort”, umabot na sa almost 1.5 million ang views ng trailer nito sa YouTube.
Sa nasabing pelikula, itinodo ni Lovi ang kanyang pagiging daring at pagiging matured sa bawat eksena. Thankful nga si Lovi dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Derek at Christopher.
Dream come true nga para kay Lovi ang makatrabaho ang mga nasabing aktor na pinapangarap makasama ng local actresses.
Makasasama nina Lovi, Derek, at Christopher sa “The Escort” sina Jean Garcia, Rommel Padilla, Dimples Romana, Jackielou Blanco, at Albie Casiño. Mula ito sa direksiyon ni Enzo Williams at mapanonood na sa November 2.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING