Trailer ng ‘Paglaki Ko, Gusto Ko Maging #Pornstar’ ng Viva Films viral agad

Leo Bukas

KAPO-POST palang ng trailer ng pelikulang Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar ng Viva Films sa kanilang official social media accounts nitong Biyernes, January 8, pero viral na agad ito. In less than 20 hours after posting ay meron na agad itong 4 million views.

Ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar ay pinagbibidahan ng mga dating sexy stars ng kanilang henerasyon tulad nina Ara Mina, Alma Moreno, Rosanna Roces at Maui Taylor. Ipakikilala naman sa movie si AJ Raval na anak ng action star na si Jeric Raval.

Trailer ng 'Paglaki Ko, Gusto Ko Maging #Pornstar' ng Viva Films viral agad
Ara Mina, Rosanna Roces, Direk Darryl Yap, Alma Moreno and Maui Taylor

Positibo ang reaksyon ng viewers na nakapanood ng trailer ng movie. Lahat sila ay natawa at namangha sa parang “very true to life” na dialogue ng mga bida who are playing themselves in the story.

Sa trailer ay ipinakikita na tinuturuan nila ang bagong recruit na talent kung paano maging sexy star. The film pokes fun at the four actresses status’ as has-beens or retired sexy stars.

Ang Pornstar ay idinirek ni Darryl Yap na director din ng blockbuster film na Jowable noong 2019.

“P*** ng pelikula, Puso ng Artista Noon, Hubog ng Katawan Ngayon, Hubad na Katotohanan. Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor and Rosanna Roces in Paglaki ko, gusto kong maging #PORNSTAR. From the writer and director of the blockbuster hit, #JOWABLE, Darryl Yap,” caption ng Viva sa trailer.

Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar will be shown on cinemas and Vivamax starting January 29.