Topless transformation ni Derrick Monasterio from Rodrigo to Almiro, nakakatindig-balahibo!

ADVERTISING
Topless transformation ni Derrick Monasterio from Rodrigo to Almiro, nakakatindig-balahibo!
Derrick Monasterio

KATATAPOS lang namin napanood ang pagtransform ng karakter ni Derrick Monasterio from weak hunchback Rodrigo to a fierce and strong Almiro sa Mulawin vs. Ravena.

Matagal-tagal na ring inaabangan ng mga netizens ang eksenang ito. Ang lahat ay curious kung karapat-dapat ba si Derrick na pagkalooban ng ganitong klaseng papel. Sa mga hindi nakakaalam, ang Mulawin ang isa sa pinaka-successful shows ng GMA-7, na naglagay kina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa superstar status nila ngayon.

Aminado kami na sa umpisa ng kanyang showbiz journey ay hindi kami nagagalingan kay Derrick Monasterio. Siguro ay nahasa na rin ito ng workshops at mga past projects na ipinagkaloob sa kanya ng Kapuso network.

Nakita namin ang transformation from weakling to strong.

Hindi rin maiiwasan na makita ang resemblance nila ni Richard Gutierrez, na lumalabas na tatay niya sa story (Aguiluz).

ADVERTISING

Lalong nakakatinding-balahibo ang pag-out ng wings ni Almiro dahil kitang-kita rin ang pinaghirapang abs at nakakalaglag-pangang pangangatawan. Parang may oil effect pa nga eh! My gosh, is that tubig or langis in your body, Almiro?  Ha-Ha-Ha!

For sure na maiinlab agad si Anya (Bea Binene) kapag magkita sila… or pwede rin si Rafael (Kiko Estrada) ang mahulog like suggested by some netizens… mga harot!

Sana ay magtuloy-tuloy ang magandang developments ng show dahil deserve naman ng Mulawin vs. Ravena ng ‘soaring high’ ratings.

ADVERTISING