Tony Labrusca kinasuhan ng 2 counts of aggravated acts of lasciviousness and slight physical injuries

Leo Bukas

HUMAHARAP sa kaso ng 2 counts of aggravated acts of lasciviousness and aggravated slight physical injuries ang aktor na si Tony Labrusca. Isinampa ang kaso ng babaing complainant sa Makati City kaninang ilang araw na ang nakakaraan.

Base sa claim ng babae, diumano’y minolestiya ng dalawang beses ng aktor. Nangyari daw ang insidente noong Jan. 16, 2021.

Tony Labrusca kinasuhan ng 2 counts of aggravated acts of lasciviousness and slight physical injuries
Tony Labrusca

Base sa statement na inilabas ng abogado ng complainant, “Tony allegedly molested her twice by first, coming from the back to intentionally flick her spaghetti straps to expose her breast and by, second, pulling her from the waist towards himself to sit her on his lap.”

Sinaktan din diumano ni Tony ang isang nagngangalang Drake Justin Ibay na nagtangkang umawat sa aktor nang makita niya itong lasing na lasing kaya kinasuhan din niya si Tony ng  physical injury.

Naglabas naman  ng official statement ang legal counsel ni Tony na si Atty. Joji Alonso tungkol sa nangyari.

“We have just been informed that complaints of alleged acts of lasciviousness and slight physical injuries have been filed against our client, Mr. Tony Labrusca.  Said acts allegedly occurred some (5) months ago.

“As we have not yet been in receipt of copies of the Complaint-Affidavits, we could not give a judicious response nor comment on the matter. We call the public to be mindful of casting judgment based on mere allegations and unfounded claims.

“We welcome the legal process taking its course, where in the end, the truth shall always prevail.”

Samantala, buwelta naman ng ina ni Tony na si Angel Jones kay Ibay at sa babaing nagsampa ng kaso, “You can’t buy class.”

Maraming netizens din ang nagtatanggol kay Tony sa social media at sinasabing malamang na na-magnify lang ang sitwasyon dahil celebrity ang aktor. Kung totoo raw na may ganitong pangyayari ay bakit ngayon lang sila nagsampa ng kaso at pinalipas pa ang 5 buwan.

May point din, di ba? Anyway, abangan na lang natin kung ano pa ang mga susunod na mangyayari.