Tony Labrusca, kabado tuwing sasabak sa kissing scene

ADVERTISING
Leo Bukas

MAY MATINDING kissing scene sina Tony Labrusca at Lovi Poe sa pelikula ng Viva Films na Hindi Tayo Pwede na idinirek ni Joel Lamangan na showing na sa March 4, 2020.

Pero hindi raw ito kasing tindi ng ginawa niya sa iWant series na Glorious with Angel Aquino.

ADVERTISING
Tony Labrusca, kabado tuwing sasabak sa kissing scene
Tony Labrusca

“Yon na nga minsan yung parang… since nakita nila na ganun kagrabe yung kissing scene ko sa Glorious so  parang lagi na lang nilang ini-expect yung ganun.

“Tapos minsan, kinakabahan din talaga ako na parang, ‘Shocks, kailangang sobrang ganda ng kissing scene na ito.’ Kasi ang taas na nung expectation nila, eh, di ba? Pero wala, yung ginawa namin ni Lovi parang I don’t even remember. Hindi ko nga maalala, eh.”

Ibinahagi rin ni Tony na ang ginawa nila ni Lovi sa Hindi Tayo Puwede ay maituturing niyang “love scene of his dream.”

ADVERTISING

“Kasi when I think of a sex scene I want to see two people na alam mo yung kahit sex yung nakikita mo, ikaw mismo pag pinapanood mo siya kinikilig ka, kasi nakikita mo yung passion, yung love nila para sa isa’t isa. And I love it when I see people playing with shapes, figures and shadows and glimpses, parang that leads your imagination running wild .

Tony Labrusca, kabado tuwing sasabak sa kissing scene
Tony Labrusca and Lovi Poe in ‘Hindi Tayo Pwede’

“I’m just so excited nga for all of you to see that scene para ma-judge n’yo rin, kasi sobrang beautiful, eh. As I was watching it, I was like, ‘Wow, ang ganda.’

“Nakikita mo talaga na these two people are in love. It takes away the sex part and it adds more na parang these two are madly in love with each other, parang ganun and it’s so beautiful,” paliwanag ng aktor.

Samantala, kasama rin sa Hindi Tayo Puwede si Marco Gumabao.

 

ADVERTISING