TONIGHT NA! Lovi Poe at Benjamin Alves, nag-iipon na ng kilig sa ‘Owe My Love’

BALIK-TAMBALAN ang Beautiful Strangers lead stars na sina Lovi Poe at Benjamin Alves sa bagong primetime ng GMA-7 na ‘Owe My Love‘. Kung noon ay nakasanayan natin na mapanood ang dalawa in serious drama-themed shows and films, this time ay sa romcom naman mapapasabak ang dalawa.

TONIGHT NA! Lovi Poe at Benjamin Alves, nag-iipon na ng kilig sa 'Owe My Love'
Benjamin Alves and Lovi Poe

Ang ‘Owe My Love’ ay produced ng GMA Public Affairs. Kuwento ito ng isang simpleng dalaga named Sensen (Lovi Poe) na sa dami ng bayarin ay naipon na ang mga utang. Gipit na gipit lagi ang bida natin kaya naman halos lahat ng raket ay pinapatulan.

Makikilala nito ang isang doctor na financial adviser rin named Doc Migs (Benjamin Alves). Magkakaroon sila ng kasunduan and at the same time, matututunan din nilang mahalin ang isa’t isa.

Interesting din ang ibang characters ng programa kung ibabase sa trailer. Siguradong puno ito ng katatawanan, iyakan, kiligan at hopefully, marami rin lessons na matututunan ang mga manonood katulad ng naging output ng previous shows produced by GMA Public Affairs.

Kasama sa riot show na ito sina Ms. Ai Ai delas Alas, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco, Pekto, Ryan Eigenmann Buboy Villar, Kiray Celis, Jelai Andres, Jason Francisco, Jon Gutierrez, Mahal, Divine Tetay at Terry Gian

Swabe rin ang cover ni Lovi Poe ng Eraserheads original hit na ‘With a Smile’.

Panoorin ang Full Trailer ng ‘Owe My Love’! Mapapanood na ito gabi-gabi sa GMA Telebabad simula ngayong February 15!