Toni, kahit manganganak na, dinayo pa rin ang premiere ng pelikula ni Alex

ADVERTISING

Toni, kahit manganganak na, dinayo pa rin ang premiere ng pelikula ni Alex

Alex Gonzaga And Toni Gonzaga
Alex Gonzaga And Toni Gonzaga
Aiza Seguerra And Liza Diño With Bimby Aquino-Yap
Aiza Seguerra And Liza Diño With Bimby Aquino-Yap

Successful ang isinagawang premiere night ng pelikulang “My Rebound Girl” ng Regal Films na naglunsad kay Alex Gonzaga sa pelikula last Tuesday night sa SM Megamall Cinema 7.

Sa kabila ng bumper to bumper traffic na naranasan namin from Quezon Avenue to Ortigas Avenue, marami pa rin ang dumalo sa preem ng pelikula.

Bale ito ang masabing launching movie ni Alex, na after seven years of waiting, dumating din sa wakas ang pelikulang matatawag na “kanya”.

Yes, sa telebisyon, nakikita natin palagi ang dalaga, lalo na sa mga sitcom at rom-com. Sa telebisyon nagsimula ang love team nila ng kapareha niya sa “My Rebound Girl” na si Joseph Marco nang gawin nila ang seryeng “Pure Love” sa Kapamilya Network.

ADVERTISING

Sa totoo lang, may kiliti ang pelikula nina Alex at Joseph na mas kilala ngayon as “SephLex” na tawag ng kanilang fans.

Happy ang dalaga last Tuesdy night sa preem ng pelikula niya dahil sa support ng mga mahal niya sa buhay at mga kaibigan.

Ang parents niya na si Mommy Pinty at Daddy Bonoy, naka-all smile after mapanood ang pelikula kahit may kissing scene at “bed scene” sina Alex at Joseph sa movie na dinirek ni Emmanuel dela Cruz.

Maging ang Ate Toni niya na nagko-contract na that evening na any moment ay manganganak habang pinanonood ang pelikula ng kanyang loving sister, natutuwa sa outcome ng movie, habang ang mister na si Direk Paul Soriano ay kabado dahil any moment ay magluluwal na lang ang misis sa katatawa sa mga eksena ng kapatid.

Nag-effort pa rin si Toni para mapanood ang movie ni Alex na ang usapan nila ng mister at ng Mommy Pinty niya, in case na hindi na keri ni Toni ang contraction at mag-burst n ang bahay bata niya, idiretso na ito kagaad sa St. Luke’s Medical Center sa BGC.

Present to give their moral support ang mag-asawang NYC Chairman Aiza Seguerra at FDCP Chairwoman Liza Diño na kaibigan ni Alex.

Present din si Bimby Yap na super close sa kanyang Ate Alex (minus Kris Aquino) that evening.

Sa opinyon ko, swak sa akin ang timpla ng “My Rebound Girl”. May kiliti at may kilig ako sa kuwento at eksena ng dalawa (sa edad ko na 55).

Successful ang dalawang mga bida at nasapul nila ang panlasa ng manonood. Pero ang tanong, totoo na nga kaya ang ferlings nina Marco at Alex para sa isa’t isa?

Sabi ng entertainment writers na naimbitahan sa premiere niht last Tuesday, meron daw namamagitan sa dalawa dahil kung walang “something” hindi nila maitatawid ang kiliti at kilig sa mga manonood tulad ko na mahilig sa mga pelikulang rom-com.

Nagsimula nang ipalabas ang “My Rebound Girl” this September 28 sa mga sinehan sa buong bansa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING