Toni Gonzaga, walang kiyeme sa kissing scene nila ni Sam Milby! – Archie de Calma

ADVERTISING

Toni Gonzaga, walang kiyeme sa kissing scene nila ni Sam Milby! - Archie de CalmaToni Gonzaga, walang kiyeme sa kissing scene nila ni Sam Milby! - Archie de CalmaSILANG MGA LASPAG na! Kawawa ang mga artistang nabuhay sa pagbebenta ng laman, binigyan ng pagkakataong mahango ang buhay, only to find out na sa katagalan, doon pa rin ang bagsak nila.

Consider this veteran actress na noong kabataan pa niya at medyo sariwa, pinag-aagawan din siya ng mga pulitiko. Ang alam namin, noong early at late ‘80s, nagpista ang marami sa aktres na ito na talagang naging rampadora ng mga dyokaran. And at that time, kung hatagan siya ay hindi bababa ng two hundred thousand pesos per dyug, at napakalaking pera na niyon noong panahong ‘yun.

ADVERTISING

Nagpipilit siya sa mayamang pulitiko na dati na niyang parukyano. Kaso, knowing na ng pulitiko na gurangers na ang aktres kaya binigyan na lang ito ng sampung libong piso na hinihingi nito, kahit wala nang dyug.

Hindi na siya masikmura kasi ng matandang pulitiko na ang pinapatulan ngayon ay halos masasabing anak na ng aging actress.

Ito namang si Male Stud ay numero uno noon sa mga barako at mula sa pagiging call boy noon, talagang lumaki ang pangalan niya bilang artista, nagbida sa napakaraming pelikula at naging mahusay ring aktor, huh!

ADVERTISING

Pero, lumipas ang panahon, heto siya – lulong sa sugal. Kalunus-lunos ang sinapit niya na nagseserbis na lang sa mga parukyanong bading sa halagang six thousand para may ipantustos sa kanyang bisyo.

Minsan, may balikbayang bading na type na type siya, ten years ago bago pa siya naglagi sa Amerika. Upon knowing na may contact pala para sa aktor na ito, na-imagine niya na kasing-yummy pa, ito ten years ago. Sumisingil na nga lang ng six thousand kaya na-excite siya.

Nang makita niya up close ang dating pinapantasya, bukod sa bagsak na halos ang mukha nito, nawalan siya ng gana nang makita ang malaki na nitong tiyan. Binigyan na lang ng bading ng four thousand pesos ang Male Stud para umuwi na lang ito, kesehodang wala nang dyug!

Naniniwala na tuloy kami na ang ganyang mga nabuhay sa pagbebenta ng laman, ‘yan na rin ang kamamatayan.

FOR THE FIRST time, naglapat na ang mga labi nina Sam Milby at Toni Gonzaga sa harap ng kamera para sa Ang Tanging Pamilya. Marami na silang pinagtambalang pelikula, pero ang convincing powers lang ni Direk Wenn Deramas ang nagpapayag kay Toni.

Basta, ang sabi lang ni Direk sa aktres, kailangan talaga ang eksenang ‘yun. Noon daw kasi, hindi naman hinihiling kay Toni ‘yun ng mga naging direktor nila ni Sam. Marami naman ang nagpapalagay na umiiwas si Toni dahil sa tunay na buhay ay may nakaraan sila ni Sam, at kino-consider niya ang feelings ng boyfriend na si Paul Soriano.

Isa pa, hindi kinaya ni Toni na mag-inarte pa dahil ang iba pang mga artista rito na sina Ai-Ai delas Alas at Joseph Estrada ay game na game na nagkaroon ng bonggang kissing scene sa nabanggit na pelikula ng Star Cinema.

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING