Toni Gonzaga, todo-tanggol kay Kuya

ADVERTISING

Toni Gonzaga, todo-tanggol kay Kuya

Toni-GonzagaANO KAYA ang magiging reaction ni Toni Gonzaga kung ang kapatid niyang si Alex Gonzaga ang binigyan ni Kuya ng nude challenge? Tila ipinagtanggol kasi ni Toni si Kuya on the issue of its controversial nude challenge.

“Everything is just really to test a person’s principles and values na kinalakihan. Kapag nagbigay ng go-signal at na-approve iyon (ng Endemol), ibig sabihin may kabuuang concept iyon na makatutulong sa tao na binigyan ng challenge na iyon. Alam naman ni Kuya (Big Brother), alam naman ng PBB ‘yung limitation niya,” pagtatanggol ni Toni kay Kuya.

But what if si Alex ang binigyan ng Kuya ng nude challenge? Hindi kaya mag-iba ang ihip ng hangin at maloka si Toni at ang parents.

Nakipag-meeting na ang producers ng PBB sa pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) and they issued an apology.

ADVERTISING

“While the objective of the week-long task was to see how the housemates would react to a test of their convictions and values, and was not intended to disrespect the rights of any housemate, the producers wish to convey their sincerest apologies to those who were offended, and assure the public and the MTRCB that the program will continue to ensure the protection of women’s rights in general, and housemates’ rights in particular, while providing quality and yet gender and audience-sensitive entertainment to its audiences worldwide,” nakasaad sa kanilang statement.

Nakakaloka lang ang phrase na “quality and yet gender and audience-sensitive entertainment”. May gender-sensitive bang naka-offend ng sensibilities ng mga babae? Nagpapatawa yata itong PBB.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING