Toni Gonzaga, tinanggap na ang marriage proposal ni Direk Paul Soriano?!

ADVERTISING

Toni Gonzaga, tinanggap na ang marriage proposal ni Direk Paul Soriano?!

Toni Gonzaga, tinanggap na ang marriage proposal ni Direk Paul Soriano?!GAANO KAYA katotoo ang nakarating na balita sa amin na kaya agad klinaro at natawa lang si Toni Gonzaga sa isyung lumabas na break na sila ni Direk Paul Soriano ay dahil nag-propose na raw ito sa TV host/actress nang magkita sila few months ago sa America?

Nangyari raw ang nasabing proposal nang magbakasyon ang pamilya nila Toni sa States at nandu’n din sina Direk Paul para sa pelikulang Thelma. Dito raw nagsabi na ang direktor sa pamilya ni Toni at ayon sa bali-balita ay tinanggap naman daw ito ng aktres.

Hihingin namin ang panig ni Toni tungkol sa balitang ito lalo’t kilala naman namin na nagsasabi ito ng totoo. Ayon nga sa kanya, krediblidad at pangalan din ang kailangan niya hindi lang bilang isang artista, pati na rin bilang isang host ng isang showbiz-oriented talk show.

 

ADVERTISING

KUNG TOTOO ang mga balita na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na sa ngayon, kung saan madalas daw nakikita na magkasama ang dalawa, hindi maiiwasang pagpiyestahan sila at pag-usapan ‘pag nakikita sila, dahil pareho silang kilala at parehong kontrobersiyal.

Kung tutuusin, wala na namang problema dahil parehong single sa ngayon. Last April pa natapos ang relasyong Derek Ramsay at Angelica, samantalang sinasabing ilang buwan na ang nakalilipas nang makipaghiwalay si John Lloyd kay Shaina Magdayao.

Isyu lang itong masasabi dahil may espekulasyon ang iba na nag-overlap ang relasyong John Lloyd at Angelica sa kani-kanilang mga karelasyon.

Hindi na rin kataka-taka kung naipakilala na ni John Lloyd si Angelica sa pamil-ya Cruz at mapalapit man ang aktres sa mga ito. Personal naming kilala ang pamilya ng aktor at isa ito sa pinakamababait at mapagkumbabang tao na nakilala namin.

Sa parte naman ni Shaina, kita namin na focus ito sa kanyang trabaho at masasabi naming kung nasaktan ito nang husto sa break-up nila ni John Lloyd, nahahawakan nito nang maayos ang sarili dahil bukod sa mahusay ang pinapakita niyang acting sa seryeng Kung Ako’y Iiwan Mo, blooming at lalong gumaganda sa ngayon ang aktres.

Naka-move on at focus naman sa ngayon si Derek Ramsay sa kanyang career, kung saan kasalukuyan itong nasa London para i-cover ang 2012 London Olympics. Nang tanungin namin kung may katotohanan ang isyu na nag-uugnay sa kanila ni Ruffa Gutierrez, agad namang klinaro sa amin ng hunk actor na walang katotohanan ang mga lumabas na balita.

Personal din naming kilala si Derek na friendly lang talaga at napakamarespetong trumato sa mga kababaihan. Balik trabaho muli ang aktor pagkabalik niya mula sa London at New York. Pagtuntong ng Setyembre, dito ay sisimulan nang ipalabas ang Amazing Race, at isang serye ang sisimulan muli ng aktor.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING