Toni Gonzaga, tinanggalan ng korona si Pops Fernadez?!

Toni Gonzaga, tinanggalan ng korona si Pops Fernadez?!

Toni Gonzaga, tinanggalan ng korona si Pops Fernadez?!SI TONI GONZAGA na nga ba ang bagong Concert Queen? Naku, ayaw ni Pops Fernandez. After nga ng kanyang very successful concert sa Smart –Araneta, mas lalong sumigla ang kanyang career. Ikaw na nga ang maging sold-out ang tickets.

At ayon nga kay Toni, ayaw na muna niyang isipin kung kailan ang next concert niya. Sa totoo lang, siya ang unang nakapuno ng Smart-Araneta magmula nang baguhin ang name nito – dating Araneta Coliseum.

“Gusto ko munang matulog nang matulog ngayon. Halos dalawang buwan na walang tulog, puyat, stress, kaba, takot naghalo-halo na. Kalokah talaga! Noong una talaga, nagtatanong ako kung mapupuno ko na?

“Isang gabi magakasama kami ni Alex (Gonzaga) sa room, magkasama kaming natutulog, tinanong ko siya kung kaya kong punuin, sagot ba naman niya, hindi ko mapupuno,” balik- tanaw niya.

“’Yun na simula ng stress, nagdaan ang mga araw, 3 days bago mag-concert, tinanong ko siya (Alex) kung mapupuno ko ba ang Smart-Araneta, sinagot niya ako na oo, mapupuno ko raw,” kuwento niya sa amin.

Ngayon nga na kay Toni na ang lahat ng success, kailan naman ang kanyang pagpapakasal sa kanyang boyfriend na si Direk Poul Soriano?

“Early 30’s puwede na siguro. I’m 27 right now, ‘wag magmadali,” sey ni Toni.

Tanggap na tanggap naman si Direk ng pamilya ni Toni. Kaya naman anytime ay open ang parents ng dalaga.

“Si Daddy ang unang iiyak d’yan kapag nagpakasal si Toni. Dati kasi bata pa si Toni nu’n kapag nakakapanood si Daddy ni  Toni na ikinakasal, commercial man ‘yon o show e, umiyak na siya,” pahayag naman ni Mommy Pinty.

 

GALIT O PIKON itong si Aiza Seguerra kapag naitatanong sa kanya ang isyung buntis siya ngayon. Sa totoo lang, ilang taon na nga raw kasi ang isyung nagdadalan-tao siya. “Grabe na kasi, nakakapikon, two years o three years ago na ‘yang isyu na ‘yan.”

Pabalik-balik na lang kasi kaya naman kahit na yatang sinong artista ay mapipikon. Gustong makatulong ni Aiza sa mga may talent sa musika. At balita nga naming, plano niyang magtayo ng isang recording company. Mukhang handa naman siya dahil nga meron na siyang mga alagang banda.

At alam n’yo bang kaya ni Aiza na mag-compose ng isang song sa loob ng sampung minuto lang? Ikaw na ang maging Aiza, very talented!

Nalaman din namin na hindi mahalaga kay Aiza ang ikinakabit na titulo sa kanyang name. Kahit na raw wala ay okey lang.

“I’d rather na… wala eh. Kapag grupo okey lang, ‘yung Sessionistas.”

Sa Friday, October 7, mapapanood siya with Cooky Chua sa Music Museum sa show na may titulong “Love Jazztified”.

 

BLIND ITEM: KILALA n’yo ba kung sino itong female TV Host cum actress na nawala na ang pagiging glamorosa? Bakit? Aba ikaw na ang bumuhay at magpa-kain ng sandamakmak na tao dahil lang sa kanyang pagmamahal at buhay-may asawa.

Palaging ubos ang kanyang pera. Kaya hindi na raw ito naka-kabili ng mga gusto nitong gamit sa kanyang pag-aartista. Ang dating mahilig sa mga branded ay biglang nawala na parang bula. ‘Pag payday raw, nangunguna na sa pila ang TV host-actress.

Kapag may kumukuha nga raw sa kanyang raket, ang TF kaagad ang kanyang tanong. Magkano ang lagi nitong sambit.

Kung sa bagay, noong  may boyfriend  siya noon, balita rin na siya ang madalas gumastos sa lalaki.

Kilala n’yo na kung sino siya? Yes, may Mister na siya…
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!