Toni Gonzaga, sumusunod na sa yapak nina Yeng Constantino, Charice Pempengco at Aiza Seguerra?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka, siyempre ng nag-iisang reyna ng chikka!

Simulan na natin ang intrigahan at chikahan, at meron tayong kanya-kanyang opinyon. Kung ano ang sa isip n’yo, go! Dahil marami na rin ang naghihinala sa gender ni Toni Gonzaga, kasi parang nararamdaman nila na gustong sumunod kina Charice Pempengco, Aiza Seguerra at Yeng Constantino na ini-enjoy ang kanilang pagka-tombolera.

Baliktad na talaga ang mundo ngayon. Ang mga lalaki, bet na bet maging babae like Rustom Padilla at ang natsi-tsismis na si Piolo Pascual, parang climate change na kung tawagin.

IBA NAMAN ang pag-iinarte ng kapatid ni Toni Gonzaga, feeling super sikat na raw kung umasta. Kasi mahirap na raw abutin, ang tayog ng lipad nito at sobrang punung-puno ang salop, kaya dapat nang kalusin sa kahambugan. Mahirap na raw kasi itong makasama sa mga show, kasi lahat, nagrereklamo sa kanya, as in attitude problem. At napaka-unprofessional daw.

Minsan nga raw, pinag-antay ng ilang oras ang mga kasama niya sa set. Aba pagdating, primadona pa ang hitad! Ayun, nakatikim siya ng mga salita na hindi pa niya natitikman sa buong buhay niya mula kay Dina Bonnevie. At dahil sa kahihiyan ng hitad, ang lakas pa ng loob na sabihing tsugihin na lang siya. Paano siya matsutsugi, siya ang lead role sa soap opera. Kaya ang solusyon lang niyan, magbago na siya!

ANOTHER CHIKKA naman itong maloloka ka talaga sa earth! Si BB Gandanghari, kahit pa raw ipangutang ni Robin Padilla, gagawin niyang mag-produce ng pelikula, makasama lang si Zoren Legaspi.

Ibig sabihin nito, kinukunsinti ni Binoe ang kanyang kapatid pagdating sa kabaklaan. Samantalang noon, hindi niya matanggap na si Rustom ay patay na. Kasi hanggang ngayon, Rustom pa rin ang tawag niya. Ok lang naman sa kanya na maging bading si Rustom, huwag lang daw magpa-sex change.

Kung totoo itong napapabalitang nagpalit na si BB Gandanghari, itatakwil daw ito ni Binoe bi-lang kapatid niya! Ang taray, pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleAga Muhlach, ‘di pa rin iniiwan ang manager na si Ethel Ramos
Next articleRufa Mae Quinto, patuloy na namamayagpag bilang aktres at TV host

No posts to display