Toni Gonzaga, sinisisi sa naunsyaming MMFF entry ni Sen. Bong Revilla Jr.?!

ADVERTISING

Toni Gonzaga, sinisisi sa naunsyaming MMFF entry ni Sen. Bong Revilla Jr.?!

Toni Gonzaga, sinisisi sa naunsyaming MMFF entry ni Sen. Bong Revilla Jr.?!SA ISYUNG lumalabas na ang magulo at hectic schedule daw ni Toni Gonzaga ang rason kung bakit hindi naipasok ang My Super Kap sa 2013 Metro Manila Film Festival na sana ay pagsasamahan nila nina Sen. Bong Revilla at Ai-Ai delas Alas, naguguluhan at ‘di makapagbigay ng depinidong komento ang TV host/actress dahil wala pang pormal na sinasabi sa kanya si Ms. Malou Santos. Wala pang sitdown na pag-uusap na nangyayari, nabanggit lang ito sa kanya ng inang si Mommy Pinti, pero wala pa talagang pinal na pag-uusap na nangyari.

Toni Gonzaga, sinisisi sa naunsyaming MMFF entry ni Sen. Bong Revilla Jr.?!Sa isyu naman na ang hectic sked niya raw ang rason kung bakit nahirapan ang production na simulan ang shooting ng nasabing pelikula, ipinaliwanag naman na ang mga ginagawa niya ngayon gaya ng The Voice Philippines, ng pelikulang pagtatambalan nila ni Piolo ay mga trabahong nauna nang nakalinya na dapat niyang gawin.

Sa intriga naman na kaya dinagdag si Ai-Ai delas Alas dahil wala raw bilib sa bankability niya ang marami sa kabila ng marami na rin namang pelikula ang TV host/actress na  talaga namang kumita at pinilahan, para kay Toni ay wala siyang maibibigay na reaksyon dito, pero kung ito ang opinyon ng maraming tao ay nirerespeto niya ito.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING
ADVERTISING