Toni Gonzaga, p’wede ring maging serious dramatic actress

ADVERTISING

Toni Gonzaga, p’wede ring maging serious dramatic actress

Toni-GonzagaUNEXPECTED ANG pagiging super blockbuster ng pelikulang Starting Over Again ninaToni Gonzaga at Piolo Pascual ng Star Cinema. Hindi inaasahan ni Direk Olivia Lamasan na aabot sa P432 million ang kinita nito sa takilya for 5 weeks showing nito. Oo nga’t alam nilang papalo ito sa takilya pero wala silang expectation na sobrang lakas ang magiging resulta nito. Halos makadikit na nga ang kinita ng Girl Boy Bakla Tomboy ni Vice-Ganda, ayon sa taga-Star Cinema.

Box-office star na ngayon kung tawagin si Toni. Pinatunayan niyang malakas ang karisma nito sa manonood lalo na sa kanyang mga fans. Malaking factor rin si Piolo sa success ng kanilang pelikula. Infairness, sobra kaming naaliw sa performance na ipinakita ni Toni sa movie, natural na natural, walang kiyeme sa mga nakakatuwang eksena nila ni Papa P. Walang pretentions kaya’t nag-click ang tandem nilang dalawa.

Ngayon, puwede nang ihanay si Toni sa mga box-office star tulad nina Vice-Ganda, Kris Aquino, Sarah Geronimo, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at Ai-Ai Delas Alas na pawang record-breaking hit ang mga pelikula. Inaasahang ang TV host/ actress ang tatanghaling Box-Office Queen sa taong ito.

Overwhelmed si Toni sa success ng pelikula nila ni Piolo. May chemistry naman kasi sila ng actor. Marami ang naka-relate sa character nilang dalawa. Maraming nakakikilig na eksena na patok na patok sa manonood. Hindi lang siya magaling na TV host ng reality at talent search, puwede rin siyang maging serious actress.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING