Toni Gonzaga, pahinga muna sa PBB?

Toni Gonzaga, pahinga muna sa PBB?

Toni-GonzagaBALITANG MALAMANG na maantala ang pagsisimula ng airing ng PBB. Kasal kasi ng main host nito na si Toni Gozaga sa June 12. Sa June 27 ang napapabalitang umpisa ng PBB. Pero malamang ay nasa honeymoon pa no’n si Toni.

Ang isa sa co-host ni Toni sa reality show na ito ng ABS-CBN na si Robi Domingo, hindi rin daw alam kung ano ang sunod na magiging kaganapan.

“Ang narinig ko, magpapahinga muna siya for a while,” aniya nang makausap namin kamakailan sa birthday ng showbiz reporter na si Rommel Placente.

“Kaya hindi ko alam kung ‘yong pagbubukas ng bahay ni Kuya ay mapi-pending o mag-a-adjust. E… PBB is Toni naman talaga, ‘di ba? So, you can’t make anyone do the spiels. Wala kaming naiisip na kayang mag-nominate, mag-evict kundi si Ate Toni.  Kasi she’s been doing it for how many years now, since 2005… 2006 pa. Kapag binago ‘yon, ang mga tao magtataka. Siyempre 10th anniversary, tapos siya ‘yong mawawala pa.

“Pero sa ngayon, nakahanap na kami ng mga housemates. Na-trimdown na ‘yon. Kasama po ako do’n sa search. Nag-ikot kami sa buong bansa. Nakita ko ‘yong process kung paano talaga kinukuha. Everday ang search na mag-u-open kami ng mga 8 am hanggang matapos po ‘yon na usually umaabot pa hanggang 4 am. Tapos kapag nakuha na ‘yong mga puwede sa bawat lugar, immersion na. Aalamin kung interesting ba ang buhay mo na puwedeng makita sa loob.”

Simula na rin ng The Voice Kids. Isa rin siya sa hosts nito kasama sina Luis Manzano at si Yeng Constantino. Marami ang nagtatanong kung ano ang dahilan at pinalitan ni Yeng si Alex Gonzaga.

“Ang alam ko po kung bakit wala si Alex, kasi no’ng time na ‘yon na tini-tape na namin ang The Voice Kids… sobrang busy niya sa Inday Bote. Tapos may concert pa siya. E… parang hindi yata kaya ni Alex. And ako, nalulungkot ako na hindi siya nakasama. I mean… you can ask anyone kung sino ‘yong pinakapaborito kong kasama na magsalita, definitely number one na sasabihin ko e, si Alex Gonzaga.”

How is it working with Yeng na siyang bagong co-host nila ni Luis ngayon?

“Working with Yeng is… it’s like family, e. Why? Kasi si Yeng Constantino po, second cousin ko. So, kapag nagkausap kami… parang same tone kami, e.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan